Marami na ang nakaka-miss kay Vice Ganda sa noontime show na It’s Showtime.
Isa na rito ang dating manager ni Vice na si Ogie Diaz.
“Nakaka-miss si Vice Ganda sa It’s Showtime. Dalawang araw na.” That was Ogie’s post sa kanyang Facebook account.
Agad naman itong sinagot ng doktor na sister ni Vice na si Tina Viceral who said, “Ogie, need muna mag recharge almost 1wk na yung lbm & vomiting nya eh.”
Marami ang nagpahatid ng message of concern kay Vice. Lahat sila nagsasabing hindi complete ang panonood nila ng Showtime kapag wala ang stand-up comedian.
“It’s always not the same without your presence Vice. You bring life n laughter to the show. Feel better Vice.”
“Get well soon meme iba ang showtime pag andun ka sulit ang panonood ko.”
“Showtime is not the same anymore without Vice Ganda.
Sya lang nagpapasaya sa aming mga manonood!”
On his Twitter account, nagpasalamat si Vice sa medical staff na nagpagaling sa kanya.
“Thank you very much to all the wonderful doctors, nurses and staff of TheMedicalCity for taking good care of me for 3days. Ang babait at ang aliwalas nyo. God bless you guys! Uwian na!” tweet niya.
Anyway, hindi naman mami-miss ng televiewers si Vice sa Gandang Gabi, Vice dahil naka-tape iyon.
Siguradong patatawanin na naman niya kayo this Sunday with his special guests. Matapos ang kanyang “Walopet” anniversary episodes, tiyak na may pasabog sa pagpasok ng eighth year ng show.