Problema sa inang magkakapatid

ATENG Beth,
Magandang araw po. Namomroblema po ako sa nanay ko. Matanda na siya at laging mainitin ang ulo. Ako na nga po ang nagparaya sa mga kapatid ko na kupkupin ko siya at doon na tumira sa amin.
Ang kaso lagi kaming nag-aaway dahil sobrang kulit na niya. Siya rin ang dahilan ng pag-aaway naming magkakapatid. Ano kayang maiging gawin ko?
Rina,
Sampaloc, Maynila

Ang gawin n’yo habang tulog sya, pindutin ninyo ang ilong, hanggang di na sya makahinga. O di ba solved ang problema n’yo!
Mga tinamaan kayo ng kulog! Matanda na ang nanay ninyo pero hindi pa ninyo mapagpasensiyahan? Anong klase kayong mga anak? Ilang taon na lang ang itatagal ng inyong magulang ay hindi pa ninyo maibigay ang gusto niya?
Noong maliliit kayo, sino ba ang nagtyaga sa inyo? Sino ba ang nagsikap para marating ninyo kung saang lupalop kayo ng daigdig ngayon?
Yun bang kakulitan niya dahil sa lagi syang nakasunod sa inyo at nagpapabili ng makakain n’ya, hinihila yung laylayan ng pundilyo nyo sa kakahingi ng pera at la-ging nakapangunyapit sa inyo dahil ayaw nyang umalis kayo?
Kung susuriin yung kakulitan nya, am sure dahil ayaw n’yo syang
bigyan ng pansin at kinokontra n’yo yung gusto nya. May mawawala bang malaki sa inyo kung susundin n’yo yung gusto nya?
At nag-aaway kamo kayong magkakapatid dahil sa kanya? Dahil? Pinagtatabuyan n’yo s’ya o pinag-aagawan?
Actually nag-aaway kayo dahil hindi kayo magkasundo at hindi dahil sa nanay n’yo.
Kayo-kayong magkakapatid ang may problema hindi ang nanay ninyo. Kayo ang mga bata, matatalino, nakakaintindi, hindi ba? So bakit hindi nyo gamitn yung sa kapakanan ng nanay nyo?
Ngayon na yung panahon para kahit papaano ay makabayad kayo ng utang na loob at pagmamahal sa nanay n’yo. Di n’yo na ba sya maasikaso na lang, mahalin at kalingain, dahil matanda na sya at wala ng pakinabang?
Ano ang dapat n’yong gawin? Magbago kayo at matutong mahalin sya.

Read more...