Oposisyon inilutang na 2 posibleng pambato sa 2022

DAHIL sa matinding setback na naranasan ng oposisyon noong nakalipas na eleksyon ay mas pinaaga na nila ang paghahanda para sa national election sa 2022.

Kasama sa ikinasang plano, syempre pa ay ang pagpapalakas sa kanilang pag-atake sa gobyerno gamit ang social media.

Kabilang rin sa kanilang preparasyon ay ang pagpapalutang sa ilang mga personalidad na posibleng gawin nilang pambato bilang pangulo o kaya naman ay vice president sa 2022.

Una sa kanilang ikinakamadang personalidad ay ang isang paparetirong opisyal ng pamahalaan na ngayon ay halos araw-araw na laman ng mga balita dahil sa kanyang pagiging eksperto kuno sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Sinabi ng aking “yellow cricket” na kapag naging maganda ang perception ng publiko sa opisyal na ito ay malamang na siya na ang ma-ging sentro ng kampanya ng oposisyon.

Ikalawa sa kanilang listahan ang isang talunang senatorial candidate na sa ngayon ay tanging scholastic record at political name lang ang sandigan, pero syempre visible na rin sa pagsawsaw sa ilang mga isyung pulitikal.

May recall ang kanyang name pero yun lang ang malinaw sa ngayon, ayon pa sa aking cricket.

Hindi rin naman tuluyang laglag na ang pa-ngalan ni Vice President Leni Robredo sa mga pinagpipilian pero sa ti-ngin umano ng ilang lider ng oposisyon ay kulang pa rin ang charisma nito sa publiko.

Tumutulong rin sa kanilang maagang preparasyon para sa 2022 ang dalawang matandang PR specialist na walang kasawa-sawa sa pagbibigay ng kanilag political strategies kahit ilang beses nang napatunayan na hindi ito epektibo lalo na sa nagdaang halalan.

Ang dalawang personalidad na pinagpipilian bilang posibleng pambato ng oposisyon sa 2022 ay sina Mr. C…as in Carding at Mr. D…as in Deodorant.

Read more...