Madumi, magulong Divisoria, nangangahulugang nasuhulan ako- Isko Moreno | Bandera

Madumi, magulong Divisoria, nangangahulugang nasuhulan ako- Isko Moreno

- July 03, 2019 - 07:30 PM


SINABI ni Manila Mayor Isko Moreno na mangangahulugang nasuhulan siya sakaling bumalik ang mga illegal vendors sa Divisoria, matapos namang malinis ito at iba pang lugar sa lungsod.

“Kapag dumumi yun, ganito lang iisipin mo. Kapag ang Divisoria napuno uli, kayo na mag isip na nalagyan ako (If Divisoria gets messed up anew, then it is logical to conclude that I have been bribed),” sabi ni Moreno.

Ito’y matapos simulan ni Moreno ang kampanya kontra illegal vendors bilang bahagi ng kanyang programa.

“Kapag ang Divisoria, Recto, Juan Luna, napuno uli ng vendor, isipin niyo na nilagyan ako. Quiapo, lahat ng pinaluwag namin, kasi ang tawag doon pagpapakilala lang,” ayon pa kay Moreno.

Tiniyak niya na magpapatuloy ang isinasagawang clearing operations sa mga nasabing lugar.

Nauna nang sinabi ni Moreno na inalok siya ng P5 milyong suhol kada araw o P1.8 bilyong kada taon para tigilan ang kampanya kontra illegal vendors.

“Anim na taon niyo na pong napakinabangan ang kalye ng lungsod ng Maynila. Sana naman, mapakinabangan na ng mamamayan ng lungsod ng Maynila ang kalsada,” ayon pa kay Moreno.

Kasabay nito, pinangunahan ni Moreno ang pagsira sa 75 video karera machines sa Manila City Hall.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending