DANIEL, KATHRYN ‘MINALAS’, hindi na pinasingit kina COCO, JULIA at JUDAY

Mula mismo sa Star Cinema/Star TV PR head na si Mico del Rosario na tuluy-tuloy lang ang taping nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa serye nila na Got To Believe.

So far  habang kausap namin siya ay for two weeks airing na ang nai-tape nila. Siyempre tinanong namin si Mico what really happened sa pagkakaudlot nang pagpapalabas ng Got To Believe.

Ayon sa kanya, nakinig daw ang management sa kanila na better na ‘wag munang isalang ang show hangga’t ‘di pa sila nakakapag-bangko ng maraming episodes.

Pang-ilang araw pa lang daw na episode ang natapos nila gayong may petsa na for airing. Kung hindi raw pumayag ang management, wala rin naman silang magagawa kundi isalang na ang ilang episodes na nakunan and the rest hand-to-mouth na ang mapapanod gabi-gabi.

Hand-to-mouth meaning kung magsu-shoot sila today, agad-agad isasalang ‘yun sa ere kinagabihan or ngayon kukunan  bukas ng gabi naman ipapalabas. At least now, marami-rami na silang nabangkong episode.

May mga nagsasabi naman na sadyang hinold muna ang serye nina Kathniel dahil wala ngang mapasukang slot sa primetime. Hindi naman kasi pwedeng basta iurong ang timeslot ng tatlong nangungunang teleserye ng Dos – ang Juan dela Cruz, Muling Buksan Ang Puso at Huwag Ka Lang Mawawala.

( Photo credit to google )

Read more...