Mega proud na proud sa tagumpay ni Heart: Nandito lang ako palagi para sa’yo, anak!


PROUD na proud si Megastar Sharon Cuneta sa isa pa niyang “anak” dahil sa mga bonggang achievements nito sa kanyang career.

We’re talking about Kapuso star Heart Evangelista na itinuturing na ring parang tunay na anak ni Mega.

Huling nagkasama ang dalawa sa Regal Entertainment film na “Mano Po 6” noong 2010.

Sa isang Instagram post ni Heart nag-comment si Sharon ng, “Hearty, just wanted to say that I am proud of how have grown up, what you have made of yourself. Here for you always, anak.”

Ito naman ang reply ng misis ni Chiz Escudero, “Aww mama thank you much. Love you always.”

Read more...