Bakit nagpaalam si Miguel sa Sunday PinaSaya


MAG-AARAL si Miguel Tanfelix kaya mawawala siya pansamantala sa Sunday PinaSaya.

Ito ang naging tugon ni Ai Ai delas Alas sa tanong ng isa niyang follower sa nakaraang post niya sa Instagram.

Sa IG post ni Ai Ai kung saan nasingit ang tanong tungkol kay Miguel, pinasalamatan ng Comedy Queen sina Sen. Bong Go at Executive Sec. Salvador Medialdea, “Sa oras ninyong makinig sa ikauunlad ng industriya ng pelikulang Pilipino at sa industriyang kinabibilangan namin.

“Kailangan po namin ang tulong ninyo at maraming salamat po sa suporta…GOD BLESS YOU.”

Sa hashtag na ginamit ni Ai Ai, kapansin-pansin ang hashtag na #mmfftwotimesayear. Isa kaya ‘yon sa tulong na ibibigay ni Sen. Go at Sec. Medialdea? Bongga kapag natuloy ang dalawang beses sa isang taon ang Metro Manila Film Festival, huh!

Isa si Ai Ai sa mga artistang tumulong sa kampanya noon ni Sen. Bong Go bilang senador.

q q q

Magsasama sina Ogie Alcasid, Dingdong Avanzado, Randy Santiago at Gary Valenciano sa isang fund-raising concert na “Green & Go” na gaganapin sa Fil-Oil Flying V Center sa San Juan City ngayong July 6.

Ang kikitain nito ay para sa health fund ng alumni ng La Salle kung silang lahat ay graduates at naging member ng singing group na Kundirana.

“First time naming magsasama-sama nina Gary, Dingdong at Randy. Siyempre maririnig nila ang hit songs namin, songs from the 80s,” sey ni Ogie sa presscon ng concert.

“We’re excited for this concert. Ngayon lang kami magsasama-sama after so many years. This will be biggest na makikita ninyong pinagsama kami,” saad naman ni Randy.

Komo nagsama na noon sa isang hit concert ang ng grupong Kundirana, umaasa silang mauulit pa ‘yon, “Sa ngayon, kaming apat lang kasi walang budget! Ha! Ha! Ha!” biro ni Randy. Eh, dahil fund raising ang concert, honorarium lang ang tatanggapin nila bilang talent fee.

Ang producer ng “Green & Go” concert ay ang dating artista ring si Mandy Ochoa na nasa corporate world na.

Read more...