Male celeb ipinaglihi sa labuyo: Adik na adik sa sex kaya hiniwalayan ng dyowa | Bandera

Male celeb ipinaglihi sa labuyo: Adik na adik sa sex kaya hiniwalayan ng dyowa

Cristy Fermin - July 04, 2019 - 12:05 AM


KUNG saan kumukuha ng lakas ang isang male personality sa sobrang hilig niya sa pakikipagniig ay walang nakakaalam. Siya lang ang siguradong makasasagot kung bakit sobrang init ng kanyang katawan.

Hindi na siya bagets, pero hindi pa rin naman siya maituturing na matanda na, nasa kasibulan pa ang kanyang edad. Siya ang palaging pinagpipistahan ng kanyang mga katrabaho dahil ibang-iba ang lakas ng kanyang katawan sa pakikipagchurvahan.

Kuwento ng isang source, “Ibang klase si ____ (pangalan ng guwapong male personality)! Walang pinipiling oras ang pagpapaalpas niya ng init ng katawan!

“Kesehodang magdamag siyang nagtrabaho, e, kayang-kaya pa rin niyang gawin ang tinatanggihan na ng ibang guys na wala nang maihihirit dahil sa sobrang pagod ng katawan.

“Hindi siya napapagod, parang ‘yun pa nga ang vitamins niya, e, dahil sa sobrang init niya!” umpisang chika ng aming source.

Alagang-alaga naman kasi ng male personality ang kanyang katawan. Madalas siya sa gym, hindi siya nagmimintis sa pagbubuhat at pagpu-push-up, maning-mani lang ‘yun para sa male personality.

Patuloy ng aming source, “Nagka-girlfriend siya ng non-showbiz, nakipaghiwalay rin agad sa kanya ang girl. Nagreklamo ang babae sa mga friends niya, hindi raw niya kayang tagalan ang sobrang hilig ng lalaking personalidad.

“Imagine nga naman, magdamag na siyang nag-taping, wala talaga siyang tulog at pahinga, pero ang init-init pa rin ng libido niya!

“At kapag wala siyang partner, natural, ano pa nga ba ang gagawin niya kundi ang mag-isang magpakaligaya! Yes! Kahit nu’ng bagets pa lang siya, e, palagi na siyang nahuhuli ng mga kabarkada niya na nagbabatibot!

“Napakahilig naman pala kasi sa maaanghang na food ng male personality na ito, kasi nga, hindi naman siya purong Pinoy, may ibang lahi siya.

“Bradly Guevarra, kilalang-kilala n’yo ni Tita Nene Ulanday kung sino ang male personality na ito na ipinaglihi sa siling-labuyo sa sobrang hilig!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung mahilig kayong manood ng tennis, tumbok n’yo na agad kung sino siya, dahil meron siyang kapangalang champion!” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending