Trailer Ng ‘Hello, Love, Goodbye’ Nag-trending Worldwide; Hugot Lines Ng KathDen tumatagos

KATHRYN BERNARDO AT ALDEN RICHARDS

TRENDING nationwide and worldwide sa Twitter ang hashtag na #HELLOLoveGoodbyeTrailer na inilabas nu’ng Lunes nang gabi.

Hindi lang kasi sa bansa ibinandera ang trailer ng Kathryn Bernardo-Alden Richards movie dahil napanood din ito sa USA, United Kingdom, New Zealand, ilan pang Asian countries at sa bansang sakop ng United Arab Emirates.

Maraming tagos sa pusong dayalog ang dalawang bida pero may mga kilig scenes din. Winner ang sagutan nina Alden at Kath bago matapos ang trailer.

“Kung mahal mo ako, bakit hindi ako ang piliin mo, Joy?” tanong ng character ni Alden bilang Ethan kay Kathryn who is playing Joy naman sa movie.

Sagot naman ni Joy (Kathryn) sa kanya, “Kung mahal mo ako, bakit pinapapili mo ako, Ethan?” Na talaga namang ramdam na ramdam ang pain sa itsura ni Kath.

Sa totoo lang, bumagay rin sa kuwento ng ginamit na theme song, ang “Kung Di Rin Lang Ikaw”, mula sa grupong December Avenue featuring Moira.

Ang balita namin, bilang bahagi ng promo ng “HLG”, magkakaroon ng concert ang buong cast ng movie, huh! Kaya yan ang isa pang dapat abangan ng KathDen fans bago mag-showing ang “HLG” nationwide.

Read more...