Sigaw ng fans: Ang lupet ng chemistry nina Kathryn at Alden

KATHRYN BERNARDO AT ALDEN RICHARDS

When the official trailer of Alden Richards and Kathryn Bernardo’s first movie together, “Hello, Love, Goodbye” was finally aired, thousands na kaagad ang nag-react.

Sa official Twitter account ng Star Cinema, nakakuha na ng more than 47,000 likes ang trailer and more than 16,000 retweets. Ang comments naman ay umabot sa 1.6K.

All praises ang netizens sa nakita nilang trailer.

“Well-played, @StarCinema! Yung reversal ng characters nina Ethan and Joy, from teaser to trailer, lupet!”

“Ready na po akong umatungal. Pakibilisan mong dumating, July 31!”

“Maganda na masakit! Can’t wait on July 31st! Congrats na agad.”

“Ibang klase ka Kathryn napakahusay!!! And sayo din Alden, good start. Mami Carms, ibang klase mga linyahan mami and direk Cathy Inang, salamat salamat at kay Kathryn niyo ipinagkatiwala to!!!”

“Eto na yung konti pa lang sa buong pinghirapan at pinagtrabahuhan niyo. Sobrang bitin pa din po kami kaya sa premiere showing talaga kami manonood.”

“Thank you Star Cinema for giving @aldenrichards02 a chance to showcase his talent. Galing nilang dalawa ni @bernardokath. Iyakang malupit ito.”

“Yung hindi in-expect na magsasama sila sa isang movie, pero nangyari. Tapos naisip mo may chemistry naman kaya? At ngayon nalaman mo ang sagot, MERON. Sobra. Ang galing. Kaya pala nila iparamdam sa yo yung saya, lungkot at KILIG ng sabay sabay! #HelloLoveGoodbyeTRAILER.”

Now pa lang, nangangamoy blockbuster na ang movie.

Read more...