NASAWI ang isang public school teacher matapos pagbabarilin ng armadong naka-motorsiklo habang papasok sa trabaho, sa Dasol, Pangasinan, Lunes.
Ikinasawi ni Ruby Marcha, 48, guro sa Eguia National High School ng Brgy. Eguia, ang dalawang tama ng bala sa ulo’t katawan, ayon sa ulat ng Pangasinan provincial police.
Naganap ang insidente dakong alas-7:20 ng umaga, sa barangay road ng Eguia.
Patungo sa paaralan si Marcha at ang 26-anyos niyang misis na si Kathleen, isa ring guro, lulan ng kanilang tricycle, nang buntutan at pagbabarilin ng di kilalang lalaki ang una, ayon sa ulat.
Dinala pa si Marcha sa Dasol Community Hospital, ngunit idineklara diyang dead on arriva ng doktorl.
Nakarekober ang mga rumespondeng pulis ng anim na basyo ng kalibre-.45 pistola, sa crime scene.
Inaalam pa ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan, kinaroroonan, at motibo ng salarin.