Imbestigasyon ng GMA sa kaso ni Manoy natapos na

EDDIE GARCIA

NATAPOS na ng GMA Network ang isinagawang internal investigation hinggil sa aksidenteng kinasangkutang ng yumaong aktor na si Eddie Garcia.

Nasa taping ng seryeng Rosang Agimat si Manoy Eddie nang umano’y madapa ito at matumba matapos matapakan ang kableng nasa kalye habang kinukunan ang kanyang maaksyong eksena.

Habang sinusulat ang balitang ito, hindi pa isinasapubliko ang resulta ng imbestigasyon sa request na rin ng pamilya ng award-winning actor-director.

Narito ang kabuuan ng official statement ng Kapuso Network: “GMA Network has completed its internal investigation on the accident involving the late Mr. Eddie Garcia.

“The family wishes to be given a copy before we share the report with the public.

“Thank you.”

Read more...