Ai Ai naloka sa mga kumokontra sa salary increase ng teacher, nurse: Lakas n’yong makanega!!!

AI AI DELAS ALAS

TINALAKAN ni Ai Ai delas Alas ang mga taong nagrereklamo sa planong pagtataas ng sahod ng mga teacher at nurse sa bansa.

Hindi nagustuhan ng Kapuso TV host-comedienne ang mga hanash at komento ng ilang netizens sa balitang ipa-prioritize ng mga bagong elected officials ang pagsasabatas ng salary increase para sa mga guro at nurse.

Ayon sa ilang Facebook at Twitter users, bakit daw lagi na lang mga teacher at nurse ang priority na magkakaroon ng salary increase, bakit ang ibang propesyon ay hindi na napapansin ng gobyerno.

Nang mabasa nga ng Comedy Queen ang mga comments ng netizen, nag-post agad siya ng mahabang mensahe sa Instagram para sagutin ang reklamo ng mga ito.

Narito ang kabuuan ng IG post ni Ai Ai: “Magandang umaga, nakita ko lang sa facebook ang article na ito. Una salamat po SENATOR (Bong Go) at tataasan nyo ang sweldo ng mga nurses at teachers. nakakalungkot lang at nakakainis mga comments.

“Mga ate, kuya, nanay at tatay or kung may lolo at lola na nag facebook at nag comment dun una sa lahat imbis na MAG REKLAMO KAYO NA BAKIT GANUN TEACHERS LANG AT NURSES blah blah eme eme bakit kami d kasali chuchu ek ek.

“1) Una dapat bago kayo mag reklamo mag pasalamat kayo at tataasan ang sweldo ng mga nurses at teachers na kamag anak nyo or kayo mismo.

“2) Kaya minsan ang tagal nating umunlad kasi mas inuuna naten reklamo sa lahat ng bagay

“3) Isip isip lang din po tayo BAKIT UUNAHIN ANG TEACHERS AT NURSES ? Sa aking opinyun uunahin dahil ang mga magagaling nating nurses at teachers sa liit ng sahod LAHAT GUSTO MAG TRABAHO SA ABROAD — mga doktor nga naten dito nasa abroad na din nag na nurse kasi malaki kita sa abroad.”Pag nangyare yun sino na matuturo sa mga anak naten na magagaling at mag gagamot sa atin kung lahat sila nasa abroad na (GETS?).

“4) Pwede naman pong maghintay hindi naman lahat pwede sabay sabay tataasan, may budget ang gobyerno sa Lahat ng mga proyekto nila.

“5) Moral lesson sa buhay ko ayoko ng mag facebook sa umaga pag ganito ang nababasa ko lakas maka nega kaloka … ok bye #isipisipbagomagreklamo.”

Gumamit din si Ai Ai ng mga hashtag na #pinoymatutongmagintay, #gawamunabagoreklamo at #magpasalatsalahangblessingsdapat.”

Read more...