Bitoy, Dawn, Miguel, Bianca magpapaiyak, magpapatawa, magpapakilig sa ‘Family History’

DAWN ZULUETA, BIANCA UMALI, MIGUEL TANFELIX AT MICHAEL V

FAMILY drama ang bagong pelikula ni Michael V at Dawn Zulueta na “Family History”.

Ito ang sinabi ni Bitoy sa mediacon ng movie kahapon na ginanap sa Novotel sa Cubao, Quezon City. Pero aniya, dahil nga isa siyang komedyante, hindi mawawala sa kuwento ang mga eksenang magpapatawa rin sa manonood.

Bukod sa pagiging leading man ni Dawn sa pelikula, siya rin ang direktor nito, writer at producer with his Mic Test Entertainment in collaboration with GMA Pictures. Hands-on talaga ang Kapuso comedian sa proyektong ito na magsisilbi ring comeback movie niya after 10 years.

Aniya, nais niyang ibandera sa Pinoy audience na hindi lang pagpapatawa ang kaya niyang ihain, na kaya rin niyang gumawa ng isang pelikula na talagang tatatak at magmamarka sa puso ng manonood.

“Sabi ko nga, I could have chosen an easier project para sa comeback movie ko at para na rin sa pagbabalik ng GMA sa paggawa ng movie. Pero mas pinili ko itong ‘Family History’ dahil naniniwala ako na ito ang magsisilbing business card ko hindi lang as an actor kundi bilang producer na rin.”

“This is drama talaga, pero iba naman ang lasa, bago sa audience, at sabi ko nga hindi mawawala ang comedy, nandito pa rin ‘yung gusto nila, pero may idinagdag kami para mas maging swak sa panahon ngayon,” chika pa ni Bitoy.

Marami rin daw siyang natutunan habang ginagawa ang “Family History,” lalo na ang pagiging producer and director. Ngayon niya mas naintindihan kung gaano kahirap ang mag-producer ng isang pelikula, “But it was an amazing experience. Sana talaga tangkilikin ng ating mga kababayan ang ‘Family History’ para makagawa pa tayo ng mas maraming makabuluhang proyekto.”

Si Michael V rin pala ang sumulat ng theme song ng pelikula, ang “Ba’t Gano’n” na karugtong rin ng pelikula lalo na sa sentimental aspects nito.

“It’s about hope, it’s about putting your trust in someone else’s good hands. Pati na rin faith. May kinalaman ito sa movie,” ani Bitoy.

May isa pang version din ang nasabing song featuring Miguel Tanfelix, Jimwell Ventenilla and Mikoy Morales na kasama rin sa movie. Nagpa-sample pa ang tatlo during the presscon kahapon.

Bukod kay Dawn, makakasama rin sa pelikula sina John Estrada, Paolo Contis, Bianca Umali, Nonie Buencamino, Ina Feleo, Kakai Bautista, Nikki Co, Vince Gamad, with the special participation of Dingdong Dantes and Eugene Domingo.

Showing na ang “Family History” sa July 24 sa mga sinehan nationwide. Kaya kung gusto n’yong makatikim ng bagong putahe, try n’yo na ang “Family History”.

Read more...