PACMAN: Di pa naman ako laos! Kaya ko pang magpanalo ng laban sa boksing!

“HINDI pa ako laos!” ‘Yan ang resbak ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa mga nagsasabing wala na ang magic niya sa larangan ng boksing.

Ayon sa Pambansang Kamao, naniniwala siya na meron pa siyang ibubuga pagdating sa boksing, “Kaya ko pang magpanalo ng mga laban,” ang hirit pa ni Pacman.

Kamakailan kasi ay nagsalita na naman ng hindi maganda ang kontrobersiyal na American boxer na si Floyd Mayweather Jr. tungkol kay Manny, tinawag siya nitong “has-been” o laos na.

Sa interview ni Pacman sa Dateline Philippines ng ANC kamakailan, sinabi ng Pambansang Kamao, “Sa atin, nayayabangan tayo. E, puro salita lang siya, ’no? Bakit puro na lang siya salita, ayaw niyang sabihin na ‘let’s fight’?”

At para patunayan na hindi pa siya laos, gagawin daw niya ang lahat para sa laban nila ng Mexican boxer na si Brandon Rios sa darating na November.

Kasabay nito ipinagmalaki rin ni Pacman na hindi naman siya nabugbog nang todo sa huling laban niya kay Juan Manuel Marquez. Natalo lang daw siya dahil sa “lucky punch.”

“Ang pagkatalo ko ay natiyambahan lang tayo. Hindi naman ‘yung binugbog tayo… na-lucky punch lang tayo, which is part of the game,” sabi pa ng kongresista sa nasabing interview.

Sa darating na July 26 magsisimula ang promo tour nina Manny at Rios para sa boxing showdown nila sa Macau.

( Photo credit to google )

Read more...