USUNG-USO ngayon sa showbiz ang mga organic food na bahagi na ng everyday diet ng mga celebrities.
Ang ilan pa nga sa kanila ay talagang nagtatanim pa ng mga gulay sa kani-kanilang bahay para doon na kumuha ng mga pangsahog sa kanilang kakainin sa araw-araw. Kabilang na nga riyan sina Robin Padilla, Richard Gomez,
Mylene Dizon at si Coco Martin na talagang naglaan ng malaking espasyo sa kanyang mansyon para taniman ng mga gulay.
Kung hindi kami nagkakamali, may plano rin si Robin na mag-retire someday sa isang farm. Nag-volunteer din siya na mag-host ng isang show to promote agriculture and fisheries sa young farmers.
Aniya sa isang panayam, “Baguhin natin ang imahe ng magsasaka para magkainteres ang mga bata. Sila ang susunod na henerasyon ng farmers.”
Sila agad ang aming naisip nang makachikahan namin ang ilang mga taga-BioSolutions International na nakaimbento ng mga produkto para mas maparami ang ani sa pamamagitan ng pagsugpo sa mga peste.
In fairness, ang dami naming natutunan tungkol sa pagtatanim at usapang-lupa kina Ryan Joseph V. Zamora, CEO ng BioSolutions at anak ng may-aring si Rodolfo “Jun” Zamora, Jorge Penaflorida, Sales Manager for Agri at Emmanuel Piadozo, Technical Support System, Nueva Ecija (branch).
Noong 2006 pa nagsimula ang operasyon ng kumpanya na ang concentration pa lang ay sa Aqua Division, meaning sila ang gumagawa ng mga produkto para mapadami at mapalago ang production ng seafood.
“Si Mr. Jun Zamora, may-ari ng Expectrum Group of companies ay nakaisip na kailangang mag-expand dahil medyo masikip na ang market ng aqua. Nag-expand siya na dapat kakaiba siya. Ayaw niya niyong ‘me too’ products. At naisip niya na dapat related sa aqua, iyon ngang agriculture.
“May nag-suggest sa kanya iyong panlaban sa kuhol. Parang nagkaroon ng epidemic sa kuhol, iyong Schistosomiasis somewhere in Samar. Ang cost ng bacteria o breeding ground ay ‘yung kuhol. So kailangang mapigilan ang pagdami nito o mabawasan ang Schistosomiasis,” paliwanag ni Penaflorida.
Hanggang sa makakuha sila ng mga sangkap na makakapuksa sa kuhol in natural means, ito ay ang saponin mula sa tabako at camellia seed. At noong 2009, nabuo nga ang Astig Kuhol Terminator na non-toxic at non-polluting.
Dinala nila ito sa mga magsasaka sa pamamagitan ni Mr. Piadozo tulad ng mga taga-Nueva Ecija, Compostela Valley, Iloilo, Palawan, Isabela at iba pa at iisa ang nadiskubre ng mga ito. Dahil sa Astig Kuhol Terminator, tumaas ang ani nila.
Ang isa pang nakatulong sa pagpaparami ng ani ay ang Agrimin. Ito naman ang ibinubudbod sa mga lupang mataas ang acidity.
Ito ang tamang ipakilala kay Goma na planong paunlarin ang taniman ng kanilang pinya gayundin ng iba pang produkto ng agrikultura, at sa iba pang celebrities na nagbabalak pasukin ang agri business, like Binoe.
Sa paggamit kasi ng Agrimin, tinutulungan nitong ma-enhance ang availability ng nutrients tungo sa pag-substrate ng lupa na may very high organic matter at high potential acidity. Nae-enhance rin nito ang activities ng beneficial organism ng lupa, nakatutulong sa pag-stabilize ng soil pH, nagpo-provide ng trace minerals essential para sa wellness ng crop.
Isa pang interesting na produkto nila ay ang Biohumic Growth Enhancer. Perfect ito sa mga mahihilig mag-garden dahil puwedeng-puwede itong ihalo sa pagdidilig ng mga ornaments sa bahay. Maganda nga rin ito sa organic at horticultural crops tulad ng mais, rice, sugar cane, vegetables, fruits at iba pa.
Nang matanong kung balak din ba nilang kumuha ng celebrity endorser, in due time raw dahil ang focus muna nila ngayon ay ang mga magsasaka para sa mas bonggang ani. Kung meron naman kayong mga tanong, call lang kayo sa (02) 851-8031 o 852-4411.