Angel excited nang maging misis ni Neil Arce, gusto na ring magka-baby

NAG-VIRAL agad sa social media ang wedding proposal pictures nina Angel Locsin at Neil Arce. Marami ang kinilig especially ang fans ni Angel.

Finally, engaged na si Angel sa boyfriend niyang businessman at producer na si Neil. Sa Instagram account ni Angel agad niyang ipinost ang picture ni Neil na nagki-kiss habang nakataas ang kanyang kamay kung saan makikita ang engagement ring na kanyang suot.

Nagmumura ang suot na diamond ring ni Angel sa photo habang nakaturo naman ang isang daliri ni Neil sa kamay ng aktres. At may caption itong, “Sa Puso Mo.”

Matatandaan na natsismis pang hiwalay na raw ang dalawa noon pang January, 2019. Pero sinagot ni Neil ang tsismis by posing his pictures with Angel habang nagbabakasyon sila sa Amerika. Meaning, fake news ang kanilang break-up.

Naging official ang relationship nina Angel at Neil noong February, 2018. Pero nagsimulamg kumalat ang balita na nagdi-date sila noong 2017.

Galing sa second round ng relasyon si Angel sa ex-boyfriend niyang si Luis Manzano bago nakipag-date ang aktres sa movie producer.

Bukod kay Luis nakarelasyon din ni Angel ang yumaong si Mico Sotto, sina Oyo Boy Sotto at Phil Younghusband.

Bago maging sila ni Angel, nakarelasyon naman ni Neil si Bela Padilla. Bago si Bela, tumagal din ang relasyon ni Neil kay Maxene Magalona.

Samantala, sa isang interbyu ay natanong si Angel bago mag-propose sa kanya si Neil kung magle-level up na sa kasal ang kanilang. Say niya, “Liligawan ko pa, try ko! Kung sagutin niya ako.” That time kaka-start pa lang ng serye niya sa ABS-CBN na The General’s Daughter.

But now may balita na malapit nang matapos ang serye ni Angel kaya she has all the time in the world para mag-focus sa nalalapit niyang kasal.

Mukhang excited na nga si Angel na bumuo ng sariling pamilya. At feeling namin, gusto na rin niyang magka-baby para maging buo at kumpleto na ang kanyang pagkababae. Ang tanong na lang ng netizens, kailan naman kaya magpo-propose si Luis sa kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola?

Read more...