Matty Juniosa, Rachel Libres tsugi agad sa Idol PH; 10 diretso sa next round

LAGLAG sa unang live round ng Idol Philippines ang mga hopefuls na sina Matty Juniosa at Rachel Libres. Nagtapos na ang kanilang Idol journey kagabi.

Sina Matty at Rachel ang dalawa sa napunta sa bottom three pagkatapos ng kanilang live performance along with other contender Elle Ocampo.

Kinanta ni Rachel ang “Paano Na Kaya” habang si Matty naman ay nagpakitang-gilas sa kanyang version ng “Nais Ko”.

At sa huling bilangan nga ng boto, si Elle ang in-announce na safe sa tanggalan kaya magpapatuloy pa rin siya sa pakikipag-showdown sa iba pang Idol Philippines hopefuls.

Nagpakitang-gilas naman sina Renwick Benito, Fatima Louise Lagueras, Zephanie Dimaranan at Miguel Odron sa mga version nila ng classic Ryan Cayabyab songs.

Pinabilib ni Renwick ang mga judge na sina Vice Ganda, Regine Velasquez, Moira dela Torre at James Reid sa rendition niya ng “Araw Gabi” habang si Louise naman ay nag-shine nang bongga with her version of “Limang Dipang Tao.”

Ito naman ang comment ni Vice sa performance ni Fatima, “Technically, for me, you are one of the best technical singers here, sa Idol Philippines batch na ito.”

Sey naman ni Moira kay Renwick, “Your story is something we all want to hear. Your strength is making us listen. Ang masasabi ko, araw gabi kong iisipin ang performance mo tonight.”

Nagmarka rin sa unang live round ang performance nina Zephanie at Miguel for their cover of “Paraiso” and “Kahit Ika’y Panaginip Lang,” respectively.

“You have changed so much. You look like a star… I’m so happy you chose that song, bagay na bagay sa ‘yo,” komento ni Regine kay Zephanie.

Sey naman ni James kay Miguel, “I love the sound of your voice. Really. You have an amazing voice.”

Sa susunod na live round, sasabak naman ang 10 natitirang Idol hopefuls sa stage featuring the hit songs of Erik Santos and Yeng Constantino. Sinu-sino kaya ang susunod na matatanggal sa labanan at mananatili sa Idol stage next week? Yan ang abangan sa pagpapatuloy ng Idol Philippines tuwing Sabado at Linggo ng gabi sa ABS-CBN lang.

Read more...