DALAWA hanggang tatlong bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong Hulyo.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration batay sa kasaysayan ng mga bagyo sa bansa ay maaaring tumama sa Southern Luzon o Northern Luzon ang mga papasok na bagyo.
Ang tatlong susunod na bagyo ay tatawaging Falcon, Goring at Hanna.
Umaabot sa 20 bagyo ang pumapasok sa PAR taon-taon.
Samantala, patuloy namang tinatahak ng bagyong Egay ang direksyon palabas ng PAR. Umuusad ito sa bilis na 35 kilometro bawat oras patungong hilagang kanluran at ngayong umaga ay inaasahang nasa labas na ito ng PAR.
Pinalalakas ng bagyo ang Hanging Habagat na nagdadala ng pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa.
MOST READ
LATEST STORIES