Isinagawa ng mga mananaliksik sa Lake Erie College of Osteopathic Medicine ang pag-aaral sa beagle na kilala sa kanilang galing sa pag-amoy.
Sinanay nila ng walong linggo ang beagle bago pinaamoy sa kanila ang sample ng dugo ng pasyente na may malusog na katawan at pasyente na mayroong lung cancer.
Kapag mayroong na-detect na cancer sa dugo umuupo ang aso.
Ilang beses inulit ang pagpapaamoy sa dugo at accurate ang tatlong beagle ng 97 porsyento.
Naniniwala ang mga mananaliksik na magi-ging mura ang mass cancer screening sa tulong ng mga beagle.
Tinatapos na ng mga researcher ang ikalawang stage ng kanilang research kung saan ipinapaamoy naman sa aso ang face mask na ginamit ng mga taong mayroong lung, breast at colorectal cancer.
Layunin ng pag-aaral na maka-develop ng over-the-counter screening product para sa kanser katulad ng pregnancy test na mas mura at madaling mabili.
Ang lung cancer ang nangungunang cancer death sa mundo maging sa lalaki man o babae. — Leifbilly Begas