Derek ibinandera ang rason kung bakit sila naghiwalay ni Joanne: 2 tao ang nawala sa akin

ANDREA TORRES AT DEREK RAMSAY

HALATANG pinipigilan ni Derek Ramsay na maluha habang kausap namin at ng ilan pang members ng entertainment media sa nakaraang mediacon ng bagong Kapuso series na The Better Woman.

Nagkuwento ang hunk actor tungkol sa tunay niyang nararamdaman matapos ang break up nila ni Joanne Villablanca. Inamin niya na nasasaktan pa rin siya hanggang ngayon dahil sa nangyari.

Almost six years ang itinagal ng kanilang relasyon at kasal na lang talaga ang kulang dahil nagsasama na sila sa iisang bubong na parang tunay na mag-asawa. Kaya talagang marami ang nanghinayang na sa hiwalayan din nauwi ang lahat.

Ano nga ba talaga ang rason ng kanilang break-up? “It’s just basically one unresolved thing, a thing that we can’t resolve. And for you to go to that next level of marriage, I think you have to feel secure in all departments.”

Aniya, ang “unresolved thing” na ito ang lagi nilang pinoproblema sa kanilang relasyon.

“Kapag meron kang problemang ganu’n tapos iniiwasan n’yo lang, doesn’t mean the relationship is healthy. You’re just pretending kasi ayaw n’yo lang ng gulo, ayaw n’yo lang mag-away, but in reality it should be dealt with and then see if you’re really happy.

“It’s not just holding on to the thoughts na kasi it’s six years na. You can’t have that mentality because later on… so I think we both came to the realization na it’s better for now that we just (maghiwalay),” pahayag ng leading man ni Andrea Torres sa sex-drama series na The Better Woman

Pero sumusumpa si Derek na walang third party involved, “No. And it’s really unfair na nadadamay pa si Andrea. Nag-sorry na ako sa kanya. And to all those out there even mentioning her name and for those out there mentioning that this is like a gimik that we’re using for promo.

“I’ve never used gimiks to promote any of my projects and I’ll never do that. So to those people, kindly stop,” chika pa ni Derek.

“So many people are getting involved. Maraming naaapektuhan – Joanne’s family, my family, Sophie, my son Austin – and people should watch what they say.

“Sige, send me your DMs (direct message), say whatever you want to say directed at me but for you to blasted out on social media you’re hurting so many people,” ang medyo teary-eyed nang sabi pa ng binata.

Nasa moving on stage pa rin siya until now, “Wala akong sinasabing madali. Not because tahimik ako it doesn’t mean hindi ako nasasaktan. I’m not scared to admit that I’m hurt. I’m not scared to admit that I

feel bad, I feel sad.
“Who enjoys breakups especially a serious one like this? And I didn’t lose one person, lost two, Sophie (anak ni Joanne) is really someone special to me. I’m used to seeing her at home. She’s not my daughter but I love her like my own. It’s sad that I lost Joanne, I lost Sophie,” sabi pa ng Kapuso hunk.

Samantala, ngayon pa lang ay mainit nang pinag-uusapan ang The Better Woman nina Derek at Andrea dahil nga sa maiinit nilang eksena sa serye, lalo na ang kanilang laplapan at sex scenes.

Ayon kay Andrea, napaka-gentleman at magaling mag-alaga si Derek tuwing may maseselan silang eksena, “Hindi na namin kailangan talagang mag-effort na ma-ging close or magka-chemistry kasi magkapareho kasi kami ng values, pareho kami ng humor so ang dali.”

Sey naman ni Derek, bilib siya sa tapang at professiona-lism ni Andrea, “The first day I saw how good she is as an actress, that makes it so much easier. So, we have no problems on the set.”

In fairness, trailer pa lang ng TBW ay hot na hot na agad ang mga eksena kung saan gaganap na kambal si Andrea na parehong mai-in love sa karakter ni Derek.

Matapos magkahiwalay ng mahabang panahon, mu-ling magkukrus ang landas ng twin sisters para sa ultimate challenge sa kanilang buhay – kung sino ba talaga sa kanila ang “the better woman” para kay Derek.

Magsisimula na ito ngayong gabi sa GMA Telebabad after Sahaya, directed by Mark Sicat dela Cruz. Makakasama rin dito sina Jaclyn Jose, Paolo Paraiso, Marco Alcaraz, Ashley Rivera, Ina
Feleo at marami pang iba.

Read more...