Miguel isusuko na nga ba si Bianca kay Migo?

MARAMI ang nakikisimpatya sa karakter ni Miguel Tanfelix sa primetime series ng GMA na Sahaya, lalo na yung mga lala-king nakaranas nang “ma-friendzone.”

Naguguluhan kasi si Miguel bilang si Ahmad kung itutuloy pa niya ang panliligaw kay Sahaya (Bianca Umali) matapos masaksihan kung gaano ka-sweet ang dalaga kay Jordan (Migo Adecer). Hindi niya alam kung ipauubaya na ba niya ang babaeng pinakamamahal sa kanyang mortal na karibal.

Pero sa mga susunod na episode ng Sahaya, abangan ang mga makapigil-hininga at nakakakilig na tagpo sa pagitan nina Miguel at Bianca, siguradong ikatutuwa ito ng mga BiGuel fans. Pero huwag mag-alala ang supporters ng tambalang Jordan at Sahaya dahil may sorpresa rin ang serye para sa inyo.

In fairness, patindi pa nang patindi ang pag-aagawan nina Ahmad at Jordan kay Sahaya kaya exciting malaman kung sino ang magwawagi.

Samantala, hindi n’yo rin kakayanin ang mga susunod na tagpo sa pagitan nina Manisan (Mylene Dizon) at Irene (Ana Roces) dahil naman kay Harold (Zoren Legaspi).

Talagang susugurin na ni Irene si Manisan sa pinagtataguan nito matapos mahuli ang asawang si Harold na nakikipagkita rito. Ito na nga ba ang katapusan ni Manisan?

Paano siya ililigtas nina Sahaya at Harold? Yan ang abangan sa pagpapatuloy ng Sahaya na mapapanood na pagkatapos ng 24 Oras simula ngayong gabi, bago mag-The Better Woman.

Read more...