Garden wedding ni Valerie sa Dec.28 tuloy na tuloy na; iiwan na ba ang showbiz?

IKAKASAL na si Valerie Concepcion sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Francis Sunga na naka-base sa Guam, USA.

Nakita namin ang prenup photos ni Valerie at ng boyfriend niya na kinunan sa Windmills ng Pililia, Rizal. Ang ganda-ganda ng mga litrato dahil nagsilbing backdrop ang sunrise at sunset.

Tinext namin ang aktres kung sino, kailan at saan gaganapin ang kasal at kung ano ang trabaho ng boyfriend niya.

“His name is Francis Sunga po, non-showbiz. He’s a Filipino but he’s based in Guam. We met through a common friend here in the Philippines.

“We got engaged last July, 2018. Getting married on December 28 (2019). A garden wedding near Tagaytay po. 29 months na po kami together so 2 years and 5 months po, he, he, he,” reply agad sa amin ni Val.

At dahil taga-Guam ang guy ay paano ang magiging set-up nila kapag ikinasal na, goodbye na ba si Valerie sa showbiz? Diborsyado ba ang lalaki at kung may anak, ang sunud-sunod na tanong namin sa kanya.

“We don’t know yet po, pero need ko mag-ayos ng papers ko kasi US citizen po siya, pero gusto rin niyang mag-stay dito sa Pilipinas. So, baka balik-balik po,” sagot niya sa amin.

Dugtong pa ni Val, “He’s a Deputy Marshall sa Supreme Court po sa Guam and may business on the side. He has 1 daughter who is turning 10 years old on September.”

“So, same po kami na tig-isang baby girl. Pero hindi na masyadong baby (anak ko) kasi 15 years old na po si Heather this coming October.

“Never pa po siya ikinasal, he’s a single dad or not really. Kasi share custody naman po sila ng mom pero hindi naman ikinasal,” pahayag pa ni Valerie.

Binanggit namin sa aktres na kami ang nagsulat na buntis siya 16 years ago kay Heather Fiona na naging malaking isyu dahil ilo-launch na nga siya noon ng GMA 7 bilang solo star sa bagong project.

Pero naudlot nga ito dahil sa isinulat namin. Pero hindi rin naman nagtagal ay binigyan pa rin siya ng maraming projects ng Kapuso Network.

Anyway, sabi namin sa aktres hindi nasayang ang paghihintay niya dahil natagpuan na rin niya ang tamang lalaki para sa kanya na magmamahal din sa anak niyang si Heather.

“Ha-hahaha! Yes po, 16 po ako when I had Heather. And yes, hindi po nasayang ang paghihintay ko. I’m super very happy and thankful that Francis came into my life.

“He calls Heather ‘anak’ na rin po. And yes, he’ll adopt her. Kaya grabe lang din po talaga ‘yung pag-uumapaw ng saya ng puso ko na dumating na ang ‘THE ONE’ para sa akin,” sabi ni Valerie.

At kahit single dad si Francis ay hindi pa ito ikinakasal kaya si Valerie ang unang babaeng ihaharap niya sa altar.

“Yes po, ako ang unang pakakasalan niya. He never thought he’d get married nga raw po. Pero when he met me, he had to ‘lock me up’ na raw. Ha-hahaha! Nagustuhan ko sa kanya is he’s saktong-sakto at tamang timpla.

“Mabait pero astig, sweet and caring and most importantly, nararamdaman ko na love niya po si Heather and super love niya ako. He’s very trustworthy and he’s a really great father to his kid.

“Nakakatawa nga po na lahat ng relationships ko, kung sino pa ‘yung long distance, ‘yun pa ‘yung pinakamadali ang terms, wala akong pinagseselosan and very secure ako sa relasyon namin,” mahabang sabi pa ng aktres.

Hirit namin, “Nakakatuwa ka Val, sobra! Heaven sent siya sa ‘yo. Okay hope to meet him someday at pakibati ako sa mom and dad mo.”

“Oo naman, ikaw pa ba? Malakas po kayo sa amin, and long time na nga po, eh.

“Buti nag-message po kayo. Thanks din po for taking interest in our love story. Amen, Heaven sent po talaga,” ang huling pahayag ni Val.

Sana lang kahit lalagay na sa tahimik ang aktres ay hindi pa rin niya iwan ang showbiz dahil isa siya sa iilang character actress na talagang give na give kapag binigyan mo ng challenging role.

Sayang naman kasi ang talento niya kung matetengga ng matagal. Feeling naman namin, maiintindihan ng kanyang future husband kung gagawa pa rin siya ng teleserye at pelikula once in a while.

Read more...