TV director sa aktres: Wala siyang utang na loob!


AN easy-to-guess B.I. (blind item).

Isang common friend ang nag-post ng pagbati ng happy 30th anniversary sa isang aktres with matching picture. Nag-thank you naman sa comment section ang aktres.

Spanning her career ay hindi siya tulad ng maraming artista na palipat-lipat at papalit-palit ng manager (maliban sa kanyang napakakulay na lovelife).

Ang totoo, isang TV director ang nakatuklas sa kanya who then had well-placed connections. Slowly but surely, nakalikha na rin ng pangalan ang aktres.

Pero balitang matindi ang sama ng loob ng kanyang discoverer to the point of accusing her of walang utang na loob at hindi man lang marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan at sa mga taong nagsilbing baitang niya sa tinatamasang popularidad.

Ay, bad ‘yan!

Read more...