Young actress, male celeb plastik, niloloko ang fans

MAS maraming naniniwala na para na lang sa kanilang career ang ginagawang pagtatakip ngayon ng isang young showbiz couple tungkol sa kanilang paghihiwalay.

Nanghihinayang siguro sila sa popularidad ng kanilang tambalan na nagsisilbing pinggan na kanilang kinakainan dahil sa mga proyektong pinagtatambalan nila na nagtatagumpay naman.

Pero alam na alam ng aming source ang totoo, ang kuwento nito, “Puwede ba, tantanan na nga nila ang pagtatakipan! OA na ang mga drama nila, hindi ‘yun totoo, dahil ang tunay na nangyari, e, may third party sa break-up nila!

“Natural, hindi aaminin ng girl na siya ang unang na-ging marupok, di ba? Matagal na silang magkarelasyon ng partner niya, tapos, nakasama lang niya ang isang male personality nang sasandaling panahon, e, bumigay na siya?

“Hinding-hindi niya ‘yun aaminin kahit pa may ginagawa na silang milagro nu’ng guy! Buking na ang drama niya, kaya magtigil na siya sa pagpapa-cute!” nakataas ang kilay na unang chika ng aming impormante.

May kakuntsaba kunong isang female personality ang young actress sa mga ginagawa niyang milagro. Ang female personality na ‘yun ang gumagawa ng paraan para magkita sila ng hunk actor.

“Ewan na lang kung ano ang gagawin ng mommy ng young actress na ‘yan kapag nalaman niya na ang nagtutulay pala sa dalawa, e, ang girl na itinuturing nang kaibigan ng family nila.

“Pero siyempre, hindi naman gagawin ‘yun ng female personality kung walang go signal ng young actress, di ba? Natural, nag-usap na sila ng hunk actor kung anong oras sila magkikita.

“Ang paalam ng young actress, e, sa bahay ng female personality siya pupunta, nagpapahatid pa nga siya sa driver nila sa bahay ng friend niya. Pero pagkatapos lang nang ilang minuto, e, sinusundo na siya ng hunk actor!

“‘Yun na ‘yun! Walang kalaam-alam ang mommy niya at ang boyfriend niya na meron na pala silang ginagawang milagro ng hunk actor! Tantanan na niya ang pagtatakip na hindi naman sila magkaaway ng partner niyang young actor!

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, type n’yo bang hampasin ng bareta ng sabon ang babaeng ‘yan?” nakataas ang kilay na pagtatapos ng aming chikadorang source.

Read more...