Kapayapaan o digmaan lang pagpipilian sa EEZ | Bandera

Kapayapaan o digmaan lang pagpipilian sa EEZ

Jake Maderazo - July 01, 2019 - 12:15 AM

NAGTATALO sina Senior Associate Justice Antonio Carpio at President Duterte sa “exclusive economic zone” natin sa West Philippine Sea.

Ayon kay Carpio maliwanag sa Section 2, Article 12 ng 1986 Constitution na dapat ipagtanggol ang ating EEZ para solong pakinabangan ng mga Pilipino.

Pinagtibay umano ng arbitral ruling ng UNCLOS ang ating pagmamay-ari sa 200-mile EEZ at pinawalang bisa ang “nine-dash nine claim” ng China sa South China Sea.

Kontra rito si Pres. Duterte at sinabing ang panalo natin sa arbitral ru-ling ay nagbigay lamang ng “sovereign rights”, hindi “sovereignty” sa ating EEZ. Hindi nito sinabing tayo na ang may-ari ng EEZ.

Ayon pa kay Duterte, ang “sovereignty” natin ay nasa distansyang 12 miles lamang na kinikilala ng buong mundo. Samakatuwid, ang natitirang 188 miles ng EEZ ay “disputed area” ng Pilipinas at China.

Binatikos din Duterte ang “Cory Constitution” dahil sa umano’y maling-mali at di pinag-isipang EEZ provision doon, na di naman kinikilala ng China.

Sabi naman ni Constitutional member na si Christian Monsod, ang kabiguan ng Pangulo na ipatupad ang EEZ ay “culpable violation of the Constitution” o impeachable offense. Gayundin, ang pagpayag nitong mangisda ang mga Chinese fishermen sa EEZ.

Pinalilitaw kasi ng mga kritiko at oposisyon na pabor o naduduwag si Duterte sa China.

Nais nilang magalit ang taumbayan kay Duterte dahil hindi nito ipinaglalaban ang interes ng mamamayang Pilipino sa EEZ.

Si Senator Ping Lacson ay nagsulong na i-invoke ni Duterte ang Mutual Defense Treaty sa Amerika kahit dahil lang sa pagbangga at pag-abandona ng isang Chinese fishing vessel sa F/B Gemver 1.

Humingi raw tayo ng tulong sa Amerika para sa “balance of power” sa South China Sea.
Pero iginiit ni Duterte, na pinuprotektahan niya ang bansa at ang 110 mil-yong Pilipino.

Sabi raw sa kanya ni Chinese President Xi Jin Ping, huwag nang pag-u-sapan ang maritime dispute dahil magkaibigan naman ang dalawang bansa. Pag-usapan na lang kung paano magtulungan at magnegosyo .

Nang imungkahi ni Duterte ang planong oil exploration sa EEZ dahil atin ang langis doon, nagbanta si President Xi ng “trouble” o digmaan.

Sa totoo, wala na tayong magagawa sa EEZ maging ang Amerika dahil tuluyang okupado na ito ng China.

Noong panahon ni PNoy, nawala sa atin ang pitong “reefs” sa Spratlys matapos isampa ni PNoy ang reklamo sa UNCLOS. Pitong “artificial islands” sa Fiery cross, Cuarteron, Subi, Gaven, Hughes, Johnson south at Mischief ang mabilis na itinayo ng China.

Hindi umaksyon si PNoy kahit sinumbong ito sa kanya ng AFP. Pati Amerika, tumahimik din. At pinakahuli, pati Scarbo-rough (Panatag shoal) ay nakuha ng mga Chinese dahil sa kapabayaan ni PNoy.

At ngayong super laki na ang problema, sino ang magpapatupad ng ibinigay na “sovereign rights” ng UNCLOS sa EEZ sa sitwasyong nagmamatigas na China at handang makipag-gera dahil kanila raw iyon?

Paano natin ipatutupad ang soberenya natin sa EEZ ngayon, matapos pabayaan nina PNoy at Amerika ang pitong “artificial islands” ng China? Tayo ba ang susugod para paalisin ang mga Chinese sa EEZ?

Kapayapaan o digmaan? Iyan lang ang ating pagpi-pilian. Mas masahol kapag pumasok pa ang Amerika sa hidwaan sa EEZ. Sino ba ang maiipit sakaling maglabanan sa South China Sea?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pakinggan at panoorin ang Banner story 8-9am DZIQ 990AM, Lunes hanggang Biyernes, at mag-email sa [email protected] para sa comments.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending