PORMAL nang nanunumpa si Pasig Mayor Vico Sotto, hudyat ng pagtatapos ng deka-dekadang pamumuno ng mga Eusebio sa isa sa pinakamalaking lungsod sa bansa.
Nanumpa ang 29-anyos na si Sotto kay Commission on Audit (COA) chairperson Michael Aguinaldo sa Pasig City Sports Center, na dinaluhan ng kanyang pamilya, kaalyado at tagasuporta.
Kasama niyang nanumpa ang kanyang running mate na si Pasig City Representative Roman Romulo.
Tinapos ni Sotto ang 27 taong panunungkulan ng mga Eusebio matapos namang matalo ng 70,000 boto si dating mayor Bobby Eusebio.
MOST READ
LATEST STORIES