Tubig sa Angat Dam, La Mesa Dam tumaas

BAHAGYANG ahagyang umangat ang tubig sa Angat at La Mesa dams kahapon, ang dalawang dam na pangunahing pinagkukuhanan ng inuming tubig sa Metro Manila.

Ayon sa monitoring ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration umakyat sa 158.64 metro ang tubig sa Angat dam kaninang umaga mula sa 157.96 metro noong Sabado ng umaga.

Ang tubig naman sa La Mesa dam ay naitala sa 71.50 metro mula sa 70.95 metro.

Pero nananatiling malayo ang tubig ng mga ito sa normal water level ng dam.

Nagpatupad ng rotational water interruption ang Manila Water at Maynilad matapos bawasan ang tubig na nakukuha nito mula sa Angat at La Mesa dam.

Read more...