Feeling vindicated ang Kapuso sexy actress na si Andrea Torres sa ginagawang pagtatanggol sa kanya ni Derek Ramsay laban sa mga malilisyosong netizens.
Sa nakaraang presscon ng bagong serye nina Derek at Andrea sa GMA 7, ang The Better Woman, pareho nilang sinagot ang chika na si Andrea raw ang rason kung bakit nakipaghiwalay si Joanne Villablanca kay Derek.
Ayon sa Kapuso hunk, walang kinalaman si Andrea sa break-up at sana’y tigilan na ang paninisi sa dalaga dahil hiyang-hiya na rin siya rito. Sinabi na rin ng aktres na malinis ang kunsensiya niya, wala siyang sinisirang relasyon.
“Nakaka-flatter, siyempre, para mag-initiate siya ng ganoon. Parang pagiging gentleman din. Makikita mo na sincere siya sa pagkakaibigan niyo kasi ayaw niyang nababastos ka,” sey ni Andrea nang marinig ang pagtatanggol sa kanya ni Derek.
Dagdag pa ni Andrea, sex-drama ang tema ng The Better Woman kaya hindi maiiwasan na lagyan ng malisya ang tambalan nila ni Derek. At sa gitna nga ng mga kanegahang ibinabato sa kanya, ginagawa pa rin niya ang lahat para mapaganda ang mga eksena nila sa TBW.
“Siguro ang magandang way na tignan siya is nagagawa pa rin namin nang maayos ‘yung mga characters namin,” sey pa ng dalaga.
Kumusta naman ang bago niyang serye? “Challenging at kakaiba talaga ang role ko sa soap. But I’m grateful na si Derek ang ka-partner ko dahil magaan siyang katrabaho at mabilis kaming naging kumportable sa isa’t isa.”
“I’m really excited for this project. Hope all the Kapuso viewers will enjoy our show. It’s been tough doing it but it’s definitely worth it,” chika naman ni Derek na siguradong pagpipiyestahan din ng mga beki sa TBW dahil sa maiinit na eksena nila ni Andrea na halos hubo’t hubad na.
Magsisimula na ngayong Lunes, July 1 ang The Better Woman after Sahaya sa GMA Telebabad, sa direksyon ni Mark Sicat dela Cruz. Kasama rin dito sina Jaclyn Jose, Ina Feleo, Marco Alcaraz, Ashley Rivera, Paolo Paraiso at marami pang iba.