BABALA: Mag-ingat sa sindikato na sangkot sa “rent-tangay.”
Isa ang R&B Prince na si Kris Lawrence sa mga nabiktima ng “rent-tangay”, na isang modus operandi kung saan hindi na ibinabalik nang umarkila ang kanilang sasakyan.
Kuwento ni Kris, hanggang ngayon daw ay hindi pa naibabalik ang bago niyang kotse na nirentahan ng isang nagngangalang Jumaril Buenaventura.
“On June 21, Jumaril Buenaventura rented the car and it was supposed to be until June 25,” ani Kris sa panayam ng GMA.
“And then, meron po akong mga GPS sa mga sasakyan ko, nu’ng (June) 24 naka-offline na, so ibig sabihin, either naputol or nasa area siya na walang signal,” dagdag pa ng singer.
Pagpapatuloy pa ni Kris, “The day na dapat ibabalik na ‘yung sasakyan, nagpa-extend pa siya ng isang araw, then sinabi sa akin na nawala raw ‘yung phone niya.”
The following day, nagkausap sila at nagkasundo na magkikita pero lumipas na ang apat na oras ng paghihintay, hindi raw dumating ang babaeng kausap niya.
“Jake (manager ni Kris) went to her house and talk to the parents and to our surprise, ‘yung mga magulang niya, hindi rin alam kasi medyo matagal na rin daw nilang hinahanap,” sabi pa ni Kris.
Nag-report na raw ang kampo ni Kris sa Pasay Police at talagang plano ng singer na magsampa ng reklamo demanda laban kay Jumaril. Bukas ang pahinang ito para sa paliwanag ng nag-rent ng sasakyan kay Kris para sa ikalilinaw ng kaso.