Ate Gay, Boobay, Tekla love guru sa TBATS; Derrick magbebenta ng beauty products

ATE GAY, BOOBAY AT TEKLA

TATAPUSIN ng The Boobay and Tekla Show ang buwan ng Hunyo with a big bang katatawanan kaya tutok lang ngayong Linggo ng gabi para sa unli LOL (laugh-out-loud) segments.

“Fake love!” Sa KMJS parody tonight, makikilala n’yo sina Boyet at Maricar, dalawang taong hindi magkakilala pero na-in love sa pamamagitan lang ng social media. Pero ang hindi nila alam, pareho pala silang gumagamit ng fake profiles at fake photos para ma-impress ang isa’t isa. Ano nga kaya ang magiging ending kapag nagkita na sila nang personal?

“Sasagutin o kakainin?” Controversial comedienne Ethel Booba and hunky model-actor Clint Bondad will take the hot seat in our hilarious game where players are given two options: answer a controversial question truthfully or eat some of the grossest food items on the table.

“Open minded ka ba?” Sa “Pranking In Tandem,” abangan si Derrick Monasterio na naatasang mag-facilitate ng audition for aspiring comedians. Pero bago ang actual audition, bebentahan muna niya ang mga ito ng beauty products, kabilang na ang whitening cream, deodorant at breath freshener.

Ang audition naging instant recruitment para sa isang networking company. Pina-try sa mga nag-o-audition ang bawat produkto. At ito na ang twist: isa-isa silang sisingilin ni Derrick ng P12,000 para sa isang set na ginamit nila. Maloloka kayo sa iba’t ibang reaksyon ng mga “biktima”.

Sa “TBATS On The Street” may pa-quiz bee at trivia game sina Boobay at Super Tekla sa mga pedestrians at bystanders sa kalye.

Riot din ang pagsasanib-pwersa nina Ate Gay, Boobay at Tekla sa isa sa namang nakakabaliw na edition ng “Dear Boobay & Tekla” kung saan sasagutin nila ang tanong ng viewers tungkol sa mga problema nila sa lovelife.

Created by the Entertainment Group of GMA Network, The Boobay And Tekla Show airs every Sunday right after Kapuso Mo, Jessica Soho.

Read more...