Sotto na-bash matapos ang pahayag pabor sa China

MATAPOS ang pagtatanggol sa China ng ilang miyembro ng Gabinete, si Senate President Tito Sotto naman ang naging sentro ng atensyon ng mga netizens matapos naman ang kanyang pahayag pabor sa China.
“It’s very difficult to say that there is an exclusivity if it is underwater. The fish could be coming from China. And the fish from the Philippines could be going to China,” sabi ni Sotto sa isang panayam sa ANC.
Nagsilbi pang tagapagtanggol si Sotto ng China kaugnay naman ng panawagan ng mga mangingisdang Pinoy sa gobyerno na tiyaking mga mangingisdang Filipino lamang ang payagang makapangisda sa harap naman ng nangyaring insidente sa Recto Bank kung saan binangga ng Chinese vessel ang isang Pinoy fishing vessel na F/B Gem/Ver.
“It’s very difficult to say that there is an exclusivity if it is underwater,” dagdag pa ni Sotto.
Dahil sa naging pahayag ni Sotto, sari-saring memes ang nag-trending sa social media.
Makaraang maging laman ng social media, ipinagtanggol naman ni Sotto ang kanyang naging pahayag.
“My comments on WPS [West Philippine Sea] and its resources was a tongue in cheek statement. Sadly konti lang nakaintindi,” giit ni Sotto.
Sinabi pa ni Sotto na wala siyang nakikitang problema sa naging pahayag ni Pangulong Duterte na payagan ang mga Chinese fishermen na makapangisda sa 200-nautical mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas bastat hayaan ding makapangisda ang mga Pinoy sa kanilang nasasakupan.
Kinontra naman si Sotto ni University of the Philippines (UP) Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea director Jay Batongbacal sa pagsasabing sa ilalim ng Konstitusyon, lahat ng dagat-yaman sa loob ng EEZ ay para lamang sa mga Filipino.
Sa kanyang naunang pahayag, sinabi pa ni Sotto na duda siya kung sinadya ng Chinese vessel ang pagbangga sa F/B Gem-Ver.
“The Chinese only saw the fishing boat when it was near and tried to do a hard left or hard right with its engines on full astern thus the damage is minimal,” sabi pa ni Sotto.
“If it did the collision was deliberate. If it didn’t it could be accidental,” ayon pa kay Sotto.
Ginawa naman ni Sotto at tila pag-abswelto sa Chinese vessel sa kabila naman ng isinasagawa pang imbestigasyon kaugnay ng insidente.
Hindi kaya dapat ay pabayaang magtrabaho ang mga opisyal ng China imbes na mga opisyal pa ng pamahalaan ang nagsisilbing tagapagsalita ng ibang bansa?

Read more...