Sa radio program na “Good Vibes” nina Niña Corpuz, Dra. Luisa Ticzon-Puyat at Ahwel Paz sa DZMM 630 tuwing Lunes hanggang Biyernes, 1 p.m. ay isa ang kalusugan sa tinatalakay nila.
Karamihan kasi sa kanilang tagapakinig ay ayaw pumunta sa doktor dahil natatakot o dahil walang pambayad kaya ‘yung iba ay idinadaan na lang sa pakikinig at saka nagtatanong.
Sabi nga nina Niña at Dra. Luisa ay malaki ang nagagawa ng social media dahil may interaction kaagad sa mga nakikinig at sa mga host.
Ang “Good Vibes” ay ang dating “Magandang Gabi Doc” na nalipat na sa mas maagang oras, “Naniniwala kami na nagsisimula ang tagumpay ng bansa kapag malusog ang bawat Pilipino.
“Kaya may segment kami kung saan nakapagbibigay ng libreng konsultasyon ang magagaling na doktor, lalo na sa mga kababayan natin sa malalayong lugar,” say ni Nina.
Ayon naman kay Dra. Luisa na kasama sa programa tuwing Miyerkules at Huwebes,
“Sa dami po ng mga masasamang balita na atin pong nababasa o napapanood, ang programa po namin ang narito para magbalita naman ng mga good news at mga kwentong magpapasaya, mag-iinspire, magtuturo ng kabutihan, at magpapakilala sa atin sa mga bagong bayani sa lipunan.”
At si Papa Ahwel ay tuwing Biyernes naman kasama sa programa, “’Yun bang mga nakaka-good vibes naman sa mga artista. Kasi ‘di ba maraming fans ang mas masisiyahan kung may mga balitang good vibes sa mga idolo nila.”
Base sa paliwanag ni Nina, ang 30 minuto ng programa ay puro tungkol sa magagandang balita o good vibes ang talakayan at ang huling 30 minutos ay tungkol sa reseta ni doc na pangungunahan naman ni Dra. Luisa.
“Yun po ang gusto naming i-focus sa show, preventive medicines para lahat masaya at walang magkakasakit at walang gastos,” say pa ni Nina.
Dagdag naman ni Dra. Luisa, “Galing po kami sa Magandang Gabi Doc (kasama si Nina) for 10 years, so parang na-move po to 1 -2 slots, ‘yun po ang good vibes and we want to keep it, siyempre it gives you good vibes if everyone would be healthy especially our Kapamilya na can’t afford and mas gusto ng free consultation.”
At dahil dermatologist si Dra. Luisa kaya may mga guest sila parati na puwedeng hingan ng payo tungkol sa mga sakit na may kinalaman sa balat.
Any act of kindness ay pampa-good vibes sa bawa’t tao, “Maraming klase ng good vibes, eh. Like ‘yung mga estudyante pag tinanong mo sasabihin nila, ‘nginitian ako ng crush ko’ o ‘nakita ko ‘yung crush ko pagpasok ko sa school.’ So good vibes na ‘yun para sa kanila.”
“Or ‘yung mga makikita mo sa kalye na may tinulungang tumawid o maglakad, that’s good vibes na. Actually hindi ka mauubusan ng good vibes stories, eh,” paliwanag ni Niña.