Pekeng Lea Salonga manloloko, nagso-solicit ng pera sa fans

LEA SALONGA

MUKHANG paboritong biktimahin ngayon ng mga sindikato sa social media ang international singer na si Lea Salonga.

Matapos ngang gamitin ang kanyang pangalan at mga litrato sa mga fake news sites at pekeng endorsements, muling nabiktima si Lea ng isang poser na nanghihingi ng pera sa kanyang mga fans.

Agad na binigyan ng warning ng award winning singer-actress ang kanyang mga kapamilya, kaibigan at followers na huwag maniniwala sa fake na Lea Salonga na umano’y nagso-solicit ng pera at kung anu-ano pang kasinungalingan.

Nag-post si Lea ng babala sa kanyang Facebook para maalerto ang kanyang fans and supporters. Aniya, “It has come to my attention that someone has been using my name and profile picture to solicit money from my fans. I would never do that, ever. Not in a million years.”

Aniya pa, agad i-report sa mga kinauukulan kapag na-encounter nila ang taong gumagamit sa kanyang pangalan para makapanloko ng kapwa.

“If you’ve ever received a message from someone using my name asking for money, report and block. Thank you,” paalala pa ng Broadway star sa madlang pipol.

Pero hindi pa riyan nagtapos ang warning ni Lea, talagang kinorek pa nito ang grammar ng kanyang poser na aniya’y isang uri ng murder sa English language.

“By the way, I’ve seen a sampling of the messages. My God, talk about murder of the English language,” chika ni Lea.

Nito lang nakaraang linggo, agad ding nilinaw ng Tony-winning singer ang fake news na plano na niyang iwan ang showbiz.

Aniya “And once again, the rats come out to play. Folks, if you come across one of those Lea Quits Showbiz bulls*** ads, those are fake. One, I’d never quit. This is what I love to do.”

“Whoever dreamed that up is a team of motherf***ers with way too much time on their hands,” Salonga said. “Thanks for your time,” pahayag pa ni Lea.

Read more...