“PROUD Dabarkads!” Yan ang ibinandera ng Kapamilya TV host-actress na si Toni Gonzaga kasabay ng pagdiriwang ng 40th anniversary ng Eat Bulaga ngayong taon.
Forever Dabarkads din ang feeling ni Toni kahit matagal na siyang wala sa noontime show ng GMA 7 na Eat Bulaga at ilang taon nang napapanood sa rival network nitong ABS-CBN.
Kung matatandaan nagsimula ang hosting career ni Toni sa TV bilang co-host sa Eat Bulaga. Naging regular Dabarkads siya sa programa noong 2002 at tumagal hanggang 2005.
Sa kanyang Instagram Story, ipinost ni Toni ang mga regalong ipinadala sa kanya ng Eat Bulaga family bilang bahagi ng selebrasyon para sa ika-40 taon ng noontime show.
Sa unang photo, makikita ang basket of fruits and flowers na natanggap ng misis ni Direk Paul Soriano habang tinitingnan ng anak nilang si Seve.
Maikling caption ng TV host-actress-singer, “Thank you @eatbulaga1979 (heart emoji).”
Sa ikalawang litrato namang ipinost ni Toni makikita ang sulat na ipinadala sa kanya ng mga taga-Eat Bulaga na may petsang June 28, 2019.
Narito ang laman ng letter mula sa EB, “Dear Ms. Toni Gonzaga, Para sa apat na dekada…
“Para sa nakasama sa tuwa’t saya…
“Para sa forever Dabarkads…
“…saan man magpunta…
“Certified bahagi ka ng Eat Bulaga!”
Caption ni Toni sa kanyang IG post “Proud dabarkads here! (heart emoji). Forever grateful to you @eatbulaga1979 (heart emoji).”