Nakilala at nakita na pala up close and personal ni Jake Cuenca ang Hollywood superstar na si Robert Downey Jr. noong nag-aral siya ng acting sa New York.
Sa nakaraang episode ng Cinema One Exclusive, ibinalita ni Jake na talagang na-starstruck siya nang makita nang malapitan si Robert Downey o mas kilala ng mga Pinoy bilang si Iron Man.
“Noong nag-aral ako sa New York ng acting, ‘yung first activity namin sa school manood ng premiere night ng The Judge so nag Q and A kami mga estudyante sa school kay Robert Downey Jr.,” kuwento ni Jake.
Dagdag pa niya, “Maliit lang siya eh pero super gwapo so talagang masta-starstruck ka talaga. Pero kung ano siya sa movie, kung ano siya as Tony Stark, ganon siya sa totoong buhay.
“Kung paano siya magsalita, ‘yung hindi siya komportable na nakaupo so papalitan niya ‘yung chair, gusto niya komportableng-komportable siya,” aniya pa.