Sulat mula kay Lina ng Lantawan, Basilan
Problema:
1. Magdadalawang taon na ang relasyon namin ng boyfriend ko nang bigla kaming nagkahiwalay. Wala namang love triangle, pero bigla siyang nag-abroad sa Middle East bilang welder. Ayaw ko sana siyang payagan, pero sabi niya para raw iyon sa kinabukasan namin at para na rin daw sa itatayo naming pamilya. Ang problema, mahigit isang buwan na siya sa Middle East, hindi pa rin niya ako kino-contact kaya labis na akong nag-aalala sa kanya. Itatanong ko lang po kung magkakabalikan pa kaya kami at kokontakin pa kaya niya ako?
2. Nagtanong na ako sa agency niya pero ayaw namang ibigay sa akin ang mga detalye dahil hindi naman kami kasal. Sana, matulungan ninyo akong muli kaming magkaroon ng komunikasyon at kung magkakaroon kami ng relasyon, magiging kami pa rin kaya at siya na kaya ang lalaking makakatuluyan ko at makakasama sa pagbuo ng maligayang pamilya balang araw?
Umaasa,
Lina ng Lantawan,
Basilan
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Kayo pa rin (2)
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...