Horoscope July 21, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Anuman ang nangyayari, kumalmante ka lang. Wag guluhin ang isipan sa mga problemang hindi pa naman dumarating. Sa pag-ibig, kapag payapa ang isip, mas masarap na romansa ang mararanasan. Mapalad ang 3, 18, 27, 31, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum-Aum!” Blue at orange ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) – Diplomasya ang kailangan. Kikita ng malaking halaga kung hindi magiging prangka. Lagyan ng landi at lambing ang pakikipag-usap sa mga kliyente. Sa pag-ibig, lambingin ang minamahal, i-kiss mo siya sa neck o batok. Mapalad ang 1, 10, 28, 27, 34 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Ubur-Minna-Absin-Om”. Red at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) – Kung muli kang magpapaganda, mas madaling maakit ang salapi at magandang kapalaran. Sa pag-ibig, kung maliligo kang lagi, matutukso na naman ang kasuyo na ikaw ay romansahin. Mapalad ang 6, 15, 24, 30, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Mihi-Omne-Venit.” Violet at apple green ang buenas.
 Gemini – (May 21-June 21) – Hindi dapat pagsabaysabayin ang mga negosyong naiisip, mag-concentrate ka lang sa isa. Sa pag-ibig, iukol ng buong-buo sa kasuyo iyong atensyon, upang higit kang lumigaya. Mapalad ang 5, 14, 29, 34, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra:  “Factum-Pulcrum-Dominum.” Blue at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) – Kailangang mapanatili ang pagiging mabait. Maraming naiingit sa iyo. Darating ang panahong iisa lang ang magiging kakampi mo – ang kasuyong Scorpio. Sa pinansyal, pag-iipon pa rin ng salapi ang dapat na ipriority. Mapalad ang 7, 14, 23, 28, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yara-Salve-Me-Om”. Red at violet ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) – Kakampi mo ang araw. Habang sumisikat ito, humarap sa silangan, at usaling isa-isa ang mga nais mangyari sa buhay. Sa sandaling nagawa mo ‘yan sa loob ng 41 days ang lahat ng mga pangarap ay kusang matutupad. Mapalad ang 1, 19, 28, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Namo-Aum.” Orange at lilac ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) – Upang yumaman, hindi dapat pairalin ang katamaran. Kailangang sumiksik sa kukote mo ang pagiging materyoso. Sa pag-ibig, hindi dapat kontrahin ang suwestyon ng minamahal. Oohan mo lang siya ng oohan. Mapalad ang 5, 18, 27, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padme-Purana-Om.” Blue at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) –  Iwasan ang katakawan, upang sumeksi. Mentras gumanda ang hubog ng iyong katawan, mas maraming salapi ang maaakit. Sa pag-ibig, malambot at sexy na katawan ang magiging puhunan upang mapaligaya ang minamahal. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 42 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Om”. Pink at beige ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) – Talino ang susi upang yumaman! Maghanap ng matalinong tao na makakatulong sa iyong negosyo. Sa pakikipag-relasyon, kahit kapos sa talino, magiging mapalad ka sa pag-ibig kung sa isang Virgo makakarelasyon mo. Mapalad 6, 14, 23, 41, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhipana-Bodhana-Om.” Green at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) – Piliting sumunod sa kabutihang asal upang lalong sumagana ang kabuhayan. Sa pag-ibig, habang buhay ang ligaya kung pananatiliin ang katapatan sa kasuyong Libra. Mapalad ang 5, 15, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit.” Red at purple ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) – Ito na ang pinakatamang panahon upang daigin ang iba. Ituloy ang binabalak na negosyong buy and sell ng palay at bigas. Sa pag-ibig, panahon na upang muling pag-alabin ang relasyon, sabay kayong maligo ng kasuyo. Mapalad ang 4, 8, 28, 34, 38 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam”. Yellow at pink ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) – Wag awayin ang kasuyo, baka ang mangyari, marami ka ngang pera, wala namang nagmamahal sa iyo at pagkatapos, iiyak-iyak ka. Bukod sa salapi, dapat ding bigyang oras at panahon ang pamilya. Mapalad ang 4, 13, 22, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Nameh-Om.” Lilac at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) – Mas gaganda ang kapalaran sa ibang bansa. Simulan na ang pag-aaplay! Sa pag-ibig, okey lang na iwanan muna ang kasuyo, kung ang kapalit naman nito ay ang pag-unlad ng inyong kabuhayan. Mapalad ang 7, 16, 26, 34, 41 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Garuda-Arjuna-Om.” Maroon at magenta ang buenas.

Read more...