MEDYO English yung title kasi ang hirap ilatag kung Filipino.
Pero simple ang ibig sabihin, mas madaming airport hub, mas malaki ang maitutulong nito sa masikip na trapiko.
Sa kasalukuyan kasi, iisa ang airport hub sa Metro Manila at suburbs.
Ang ibig sabihin ng suburbs ay mga karatig lalawigan sa labas ng metropolis tulad ng Laguna, Cavite, at Batangas sa south, Bulacan at Pampanga at Nueva Ecija sa Norte at Rizal sa east.
Kapag mayroong lilipad palabas ng Metro Manila mula sa mga lugar na ito, na umaabot sa mahigit 200 libo isang araw ayon sa NAIA, tiyak na gagamit sila ng kotse patungong airport.
Ang masakit nito, maliban sa walang maayos na mass transport patungong NAIA mula sa loob ng Metro Manila at gayundin sa suburbs nito (di tulad ng Singapore, Hong Kong, London at New York) wala ring maayos na transfer facility between terminals sa NAIA.
Dahil dito, ang trapik sa Paranaque, Pasay at Las Pinas ay umaapaw sa SLEX, Coastal Road, Roxas Blvd. at southern part ng EDSA.
Subalit kung gagayahin natin ang Tokyo at Hong Kong na may mga hiwalay ng airport sa loob ay labas ng metropolis nila, magagawa nating bawasan ang traffic congestion sa paligid ng NAIA.
Nandyan naman ang Clark na sinimulan nang palakasin ni Transportation Secretary Art Tugade.
Maaari nitong pagsilbihan ang mga residente ng northern Metro Manila and suburbs.
Nandyan din ang Sangley, na iniutos ng Pangulo na gamitin na rin para naman maserbisyuhan ang mga residente sa southern suburbs ng Metro Manila.
Ang NAIA naman ay magiging hub ng mga nakatira sa central Metro Manila.
Puwedeng gawing show window dahil nandito ang mga 5-star hotels.
Sa ganitong paraan, hindi lang trapik papasok ng airport ang maaayos, pati trapik sa langit, trapik sa pila sa check-in, at trapik sa paghintay ng sasakyan sa mga dumarating sa bansa natin, turista man o residente.
Isa lang ito sa madaming kailangang gawin in conjunction with other steps para mapaluwag ang trapik sa Kalakhang Maynila. Dahil hindi ko sinasabing ito ang solusyon, madami pa na dapat gawin, na ginagawa naman talaga.
Para sa komento at suhestiyon sumulat lamang sa irie.panganiban@gmail.com o sa inquirerbandera2016@gmail.com