Sue Ramirez: Walang issue sa amin ni Loisa, naibalik ang friendship…

SUE RAMIREZ AT LOISA ANDALIO

HINDI kasama sa line-up ng special guests para sa first major concert ni Sue Ramirez ang kanyang kaibigan na si Loisa Andalio .

Pero paglilinaw ni Sue, walang issue sa kanila ni Loisa at napanatili pa rin nila ang kanilang friendship sa kabila ng hindi nila pagkakaunawaan dalawang taon na ang nakararaan.

Sa ginanap na mediacon para sa concert ni Sue, ang “Rock Chic” natanong ang dalaga kung bakit hindi ka-join sa special guests niya si Loisa, pero ang dalawa sa mga close friends niya sa showbiz na sina Kristel Fulgar at Maris Racal ay kasama.

Kung matatandaan, silang apat ang magkakasama sa “4 of A Kind” concert na naganap noong July, 2017.

“Of course, dito sa concert limited yung kailangan namin na guest, kasi hindi naman puwede na pito yung guest ko. Siguro level of closeness din.

“Of course, you also know that Loisa and I have been estranged for quite some time, but everything is okay now. It doesn’t mean hindi kami okay dahil hindi siya guest sa concert ko,” pahayag pa ni Sue.

Isinama rin daw niya sa kanyang suggestion list ang name ni Loisa pero hindi nga ito nakasali.

Alam ng fans nina Sue at Loisa na nagkaroon sila ng tampuhan na may kinalaman umano kay Ronnie Alonte na parehong na-link sa dalawang aktres noon. Magdyowa na ngayon sina Loisa at Ronnie.

Pagpapatuloy pa ng singer-actress, “Ang ka-close ko naman talaga si Maris tsaka si Kristel, so I really want to keep it a concert that is very close to my heart.

“If ngayon siguro namin pinaplano yung concert, baka naisama ko pa si Loisa sa lineup,” pahabol pa niya.

“Whatever it was, tapos na and thank God. Kasi hindi masarap sa pakiramdam na merong tao sa paligid mo na hindi ka okay, na hindi rin okay sa ‘yo. So, finally we’ve talked about it and settled our differences and okay na lahat ngayon so I’m happy,” chika pa niya.

Tinanong din si Sue kung pina-follow na ba siya uli ni Loisa and vice versa, “Oo, hindi ko naman siya in-unfollow. Siya lang. Charing. Ha-ha-haHA!”

“Pero okay na, pina-follow na daw niya ako ulit so hindi naman siya malaking bagay. Sa social media lang naman ‘yan, guys. Pero if it’s a big thing for everyone to know, yes, nagpa-follow-han na po kami. Okay po?” paliwanag pa ng dalaga.

May communication pa rin daw sila ni Loisa at nagkakachikahan pa sila sa social media, “Yes, we do. We talk. Nagre-reply kami sa mga stories ng isa’t isa on Instagram and it’s normal, how we were before naibalik namin yung dating kami.”

Samantala, magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman ngayon ni Sue sa nalalapit niyang concert. Dito niya mas maipakikita ang kanyang pagka-rocker and at the same time ang pagiging pop star.

“Hindi ko talaga alam kung kaya ko mag-concert mag-isa. Pero, to give me this chance, hindi ako makapaniwala talaga. Noong nalaman ko, medyo hesitant ako. Honestly speaking, hesitant talaga ako i-accept. Gusto ko, pero I don’t believe in myself that much noong panahon na ‘yun,” pag-amin niya.

Pero sabi ng kanyang handler, “I believe in you, Sue. Kaya mo ‘to. All you need is that one push. Sabi nga ni Lady Gaga, all you need is that one person to make you believe and you start to believe in yourself too.

So, that’s what happened so here we are now.”

Gaganapin ang concert ni Sue sa Music Museum sa July 19, directed by Frank Lloyd Mamaril and Music Direction by Marvin Querido. For tickets call TticketWorld, 891-9999.

Read more...