MARAMING netizens ang naaliw sa video na ipinost ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account kung saan makikita na nagsu-swimming siya kasama ang dalawang anak.
Kahit na nga nagbabadya ang masamang panahon na may kasama pang kulog at kidlat, talagang nakipag-bonding ang Queen of Social Media kina Joshua at Bimby sa kanilang siwmming pool. Ito’y bilang bahagi na rin ng kanyang “water physiotherapy” matapos makaranas ng matinding migraine nitong nakaraang Lunes.
Tuwang-tuwa ang kanyang mga Instagram followers nang mapanood ang video clip, lalo na ang bahagi kung saan bigla siyang umahon dahil napupunta siya sa malalim ng bahagi ng pool.
Kaya naman inalalayan agad siya ng dalawang anak at dinala na lamang sa whirlpool kung saan mas mababaw ang tubig. Tuwang-tuwa naman sina Josh at Bimb habang pinanonood ang pagsu-swimming ni Kris.
“Bimb gave me a physics lesson about ‘torque’ & my having no resistance that’s why when I spun, I was getting swept to the deeper area. … In case you’re curious, our pools are heated using LPG,” bahagi ng caption ni Tetay sa kanyang IG post.
Sa comments section, isang netizen ang nagsabi na maganda ngayon ang built ng body ni Kris at ang sexy niya sa suot na swimsuit.
“Miss Kris, sorry po but I kept watching the vid because I can’t help but admire how beautiful your body and your skin is. I rarely see you in that those skin tight ensemble po and I must say that a good skin care routine really pays off,” comment ng follower ng TV host-actress.
Sumagot naman si Kris at diretsong sinabi na iba ang itsura niya sa mga litrato kesa sa personal dahil sa pagpayat niya.
“In real life, I don’t look that great. I’m 63.5 inches or 161.3 cm (documented from my complete medical checkup) and a healthy weight from healthline.com should have me at 125 pounds or about 57 kilos. For the camera, 120 lbs. would be great.
“I went as low as 108 lbs. at my unhealthiest, but now maintain between 113-116 lbs. or roughly 52 kilos. If you’re observant, wala kaming pics showing my rear, because I have zero booty – nawala talaga,” aniya pa.
Dagdag pa niya, “I’m grateful numipis ang thighs and maliit ang arms. Benefit ng healthy eating (meaning a lot of milk, veggies & fruits) yung clear skin BUT also the high level of antihistamines I’m on.
“It also has helped na puro hypoallergenic ang skincare products that I use and I drink a lot of warm water all throughout the day,” chika pa ni Kris.
Kamakailan, sumailalim siya sa series of medical test sa Singapore at nagbakasyon sa isang lugar doon na malapit sa dagat base na rin sa payo ng kanyang mga doktor. Makabubuti raw ito sa pagpapalakas ng kanyang resistensiya.
Aniya sa isa pa niyang post, ginagawa niya ngayon ang lahat, “To get my immunity stronger, concentrate on the parts of me where I have a chance to be better, and strive for HARMONY where it’s possible.”
Ibinalita rin kamakailan ni Kris na may producer na nag-offer sa kanya ng bagong project pero humingi siya ng panahon bago mag-decide tungkol dito. Hindi niya nabanggit kung para saan ang nasabing proyekto.