Sino sa 3 StarStruck judge ang terror para sa Final 14?

CHERIE GIL, HEART EVANGELISTA AT JOSE MANALO

Sina Cherie Gil at Jose Manalo ang StarStruck judges na kinatatakutan ng Top 14 male and female hopefuls ng Kapuso artista search na StarStruck.

Rason ng isa sa male hopefuls sa takot niya kay Cherie, “Kasi the way siya magbigay ng comments sa ‘yo, walang dagdag, walang bawas. Kung ano ang comment niya sa ‘yo, ‘yun na ‘yon.”

Sey naman ni Adbul Raman, “Si Ms. Cherie Gil. I fear her in a way na I wanna really impress her kasi I just think na gusto ko lang siyang i-impress in any way.”

“Ako po kay Kuya Jose,” sabi ni Jeremy Sabido. “Kasi parang tsina-challenge niya ako palagi everytime nagpi-perform ako palagi.

“Lagi niyang kinu-comment, mag-improve ka pa. Kaya natatakot ako kay Jose,” dagdag ni Abdul.

Kay Jose rin daw natatakot ang look-alike ni Alden Richards na si Jerick Dolormente, “Hindi mo po kasi masabi kung paano magalit ang isang comedian.”

Ito naman ang sey ni Kim de Leon, “Sa tingin ko po si Ms. Cherie. Precise po kasi siyang mag-comment and parang mas gusto ko pong i-challenge ang sarili ko. It’s a good thing din naman.”

Kay Cherie rin nakakaramdan ng nerbiyos si Allen Ansay habang si Gelo Agban ay kay Jose naman afraid.

Sa female hopefuls naman, takot si Shayne Saya kay Jose; si Lexi Gonzales kay Cherie. Sa countdown namin, tie sina Jose at Cherie sa kinatatakutan ng girls.

Ay, wala pa lang natatakot kay Heart Evangelista, huh!

 

Read more...