Student Free Ride ID kailangan para sa libreng sakay sa MRT3, LRT2 at PNR | Bandera

Student Free Ride ID kailangan para sa libreng sakay sa MRT3, LRT2 at PNR

Leifbilly Begas - June 27, 2019 - 06:39 PM

SIMULA na sa Hulyo 1  ang libreng sakay para sa mga estudyante sa  Metro Rail Transit 3, Light Rail Transit 2 at Philippine National Railways.

Ayon kay Edsel Roman, Technical Working Group ng Department of Transportation, ang mga estudyante ay kailangang kumuha ng Student Free Ride Identification Card.

Lalamanin ang litrato, pangalan, at pirma ng estudyante, eskuwelahan nito, Learner Reference Number kung kinder hanggang Grade 12 o student number kung nasa kolehiyo na, grade level at control number ng ID.

Ang mga requirements para makakuha ay ID photo, school ID, certificate of enrollment, na ia-attach sa online form o registration na makikita sa website ng DoTr, MRT3, LRT2 at PNR.

Susuriin ng Rail sector ang aplikasyon at kapag naaprubahan ay sasabihin kung kailan ito maaaring makuha.

Habang wala pang Free Ride ID, sinabi ni Transportation Sec. Art Tugade na maaaring gamitin muna ang school ID ng estudyante.

Kung mayroon ng national ID sinabi ni Tugade na maaaring ito na lamang ang gawin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending