Lalaki natagpuang patay sa septic tank

By John Roson June 27,2019
share this

Lalaki natagpuang patay sa septic tank

By John Roson June 27,2019
share this

NATAGPUANG ang bangkay ng isang lalaki sa loob ng poso negro o septic tank sa Bacoor City, Cavite, Huwebes ng madaling-araw, matapos umanong patayin ng drug suspect.

Nadiskubre ang bangkay ni alyas “Buboy” sa ginagawang poso negro sa Road 3, Tambakan, Brgy. San Nicolas 3, dakong alas-3, ayon sa ulat ni Lt. Col. Vicente Cabatigan, hepe ng Bacoor City Police.

Bago ito, nagsagawa ang pulisya ng buy-bust operation sa naturang lugar, at nadakip sina Jimmy Ecleo, Albert Almojuela, Michael Angelo Ranay, Randy Abulencia, Alberto Diche, at Arsenio Amante Jr.

Sa pagtatanung-tanong ng pulisya, itinuro ni Ecleo sa mga pulis ang kinalalagyan ng bangkay, ani Cabatingan.

Lumalabas sa imbestigasyon na pinatay ni Ecleo si “Buboy” matapos paghinalaan ang huli bilang asset ng pulisya, aniya. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending