Tubig sa Angat Dam patuloy sa pagbaba

KALAHATING metro na lamang at maabot na ng Angat dam ang pinakamababang lebel ng tubig nito.

Kaninang umaga ang lebel ng tubig sa Angat dam ay 158.15 metro bumaba ng 0.25 metro mula sa 158.40 metro noong Miyerkules ng umaga.

Ang pinakamababang lebel ng tubig sa dam ay 157.56 metro na naitala noong Hulyo 2010.

Samantala, umakyat naman ng 0.18 metro ang tubig sa La Mesa dam. Ito ay naitala sa 70.16 metro ngayong araw.

Read more...