LPA papasok sa PAR

BUKAS (Biyernes) o bukas (Sabado) inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility ang low pressure area na nasa dagat Pasipiko.

Ayon sa Gener Quitlong, weather specialist ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, kahapon ng umaga ang LPA ay nasa layong 1,295 kilometro sa silangan ng Mindanao.

Dahil nasa dagat pa malaki ang posibilidad na ito ay maging bagyo.

Masyado pa umanong malayo ang bagyo upang matukoy kung ito ay magla-landfall.

Samantala, nakalabas na ng PAR ang bagyong Dodong na papunta ng Japan.

Read more...