Marian sa pagiging leading lady ni Dingdong sa ‘DOTS’: Huwag na muna, pero malay natin…

“NO” muna ang sagot ni Marian Rivera kung tatanggapin niyang maging leading lady ni Dingdong Dantes sa Philippine adaptation ng Korean hit drama na Descendants of the Sun.

Ayon kay YanYan sa first public appearance niya last Tuesday sa SM Mega Trade Fashion Hall para sa renewal ng kontrata niya bilang endorser ng Kultura Philippines, napag-usapan na nila ng asawang si Dingdong Dantes ang tungkol doon.

“Sa ngayon, no ang sagot ko pero malay natin, after two months, magbago ang isip ko!” pahayag ni Marian.

Priority pa rin kasi niya ang pag-aalaga sa dalawang anak lalo na sa bunsong si Ziggy. Rason niya, “Ayoko kasing mawala sa paligid nila habang lumalaki.

“Eh si Zia nga, after two and a half years at saka ako bumalik sa trabaho, pero dito kay Ziggy, baka mas mabilis akong makabalik sa trabaho,” saad ng GMA Primetime Queen.

Ano namang style ng pag-aalaga ang ginagawa niya kay Ziggy dahil boy nga ito?

“Same! Ganoon pa rin ang pag-aalaga ko gaya kay Zia. Si Ziggy, kasi lalaki, mas malakas magdede. Tapos, hindi iyakin. Na kapag nilapag mo, hindi iiyak. Hindi iyakin. So hindi ako masyadong hirap!” sey niya.

Eh, may adjustment ba sa sukat ng damit niya sa Kultura dahil lumaki ang dibdib niya matapos manganak?

“Hayaan mo. Patunay ‘yan na magiging malusog ang anak ko (dahil sa pagpapadede),” natatawa pang pahayag ni Yan.

So, sa mga fans nina Dong at Yan, abangers na lang tayo kung tatanggapin ni Marian na maging leading lady ni Dong sa seryeng Descendants of the Sun dahil matagal na rin ang huli nilang series together, huh!

 

Read more...