Bukod kay Sunshine Cruz, nainterbyu rin namin si Enzo Pineda sa set ng “Malamaya.” Inamin ng aktor sa amin na nag-audition siya sa Cinemalaya.
“Yes, nag-audition. Nakita na po nila (Malamaya directors) ako dati pa. Kumbaga, kasi sa Cinemalaya, nakaupo po lahat ng director. So, kung sino po ‘yung interesado (sa amin),” pag-amin niya.
Nakita raw siya mismo ng direktor ng “Malamaya” na sina Lailani at Danica during the Cinemalaya open auditions.
“Actually, matagal na po sa akin nabanggit ‘to, e. Siguro hindi lang talaga nag-register sa utak ko. Until hindi ako nakuha sa isang project na gusto ko talaga. Then, eto pala ‘yung para sa akin,” aniya.
Then, we told Enzo na unlike other actors, hindi siya nahihiya na mag-auditon for a role even though kilala na rin naman siya sa industrya.
“Actually, ayoko pong magkaroon ng, I guess, laki ng ulo? Kasi, kumbaga, sa ibang bansa naman lahat ng artista nag-o-audition. Regardless kung sikat ka o hindi. So, gusto kong i-train ‘yung sarili ko na mag-audition. Para maramdaman ko na para sa akin talaga ‘to.”
Bukod sa “Malamaya” may tatlong pelikula pa si Enzo na nakatakdang gawin this year at isa doon ay entry naman for Cinema One Originals.
“Ito po ay pangatlong pelikula ko na this year, tapos meron pa akong isa for Cinema One,” aniya pa.