Sunshine ayaw pang pakasal kay Macky Mathay: Trabaho muna para makaipon

SUNSHINE CRUZ AT MACKY MATHAY

MAGTATATLONG taon na ang relasyon ni Sunshine Cruz sa boyfriend niyang si Macky Mathay. Sa kabila nito, hindi pa rin nila napag-uusapan ang tungkol sa kasal.

Alam daw ni Macky na ayaw pang magpakasal ni Sunshine. At hindi rin pabor ang aktres sa ideya na bigla na lang magpo-propose si Macky sa kanya.

“No, not now. We don’t talk about it and I don’t want to talk about it for now. I’m just focused on work.

Work and kids. I’m enjoying my life with my kids. Nandiyan naman siya. We’re there for each other.

That’s what’s important,” lahad ni Sunshine.

Dagdag pa niya, “Inspirasyon namin ang isa’t isa na maging better versions of ourselves. Pero hindi muna kami pumpunta sa ganoon kasi, in God’s time. Kung darating, darating. But for now, I’m very happy with my life, with my work, with my kids. Wala akong mahihiling pa.”

“Nakuha ko na ‘yung matagal kong gustong annulment. So, chill-chill, happy-happy, relax-relax na lang. Mag-ipon na lang muna,” dagdag pa ni Shine.

Nakausap namin ang ex-wife ni Cesar Montano sa set ng first Cinemalaya movie niyang “Malamaya” with Enzo Pineda and Raymond Bagatsing directed by Leilani Chavez and Danica Sta. Lucia.

Excited and proud si Sunshine sa “Malamaya” hindi lang dahil siya ang lead female star ng movie kundi first time niya to do a film for Cinemalaya.

Poster pa lang ng “Malamaya” ay ang dami nang nag-comment. Ipinost kasi ito ni Sunshine sa kanyang social media account.

Definitely, ipapanood raw ni Sunshine ang “Malamaya” sa kanyang mga anak at kay Macky kahit na medyo senswal ang tema ng pelikula.

“Oo naman. Papanoorin namin. Pero sabi ko nga sa kanya, ‘Maybe, kung kunwari, merong screening for the media, for the press, I think it’s not advisable or you to be there.’ Kasi sabi ko, ‘Imbes na ma-appreciate ‘yung merit ng movie, baka ‘yung maging reaksyon mo ang pagpiyestahan ng ibang tao, which is also not fair for the movie.”

Naiintindihan naman daw ‘to ni Macky, “Kasi sa edad naman naming ‘to, chill na lang kami na parang ang dami na naming pinagdaanan sa buhay. Ang pinakamahalaga we are loyal to each other. We are faithful. We trust each other.”

Read more...