Derek, Andrea parehong palaban sa hubaran, churvahan

DEREK RAMSAY AT ANDREA TORRES

Makikipagsabayan si Andrea Torres kay Derek Ramsay pagdating sa mga mapupusok at maiinit na eksena sa upcoming Kapuso series na The Better Woman.

Teaser pa lang eh, pasiklab na ang pang-aakit ni Andrea kay Derek sa seksi niyang suot habang humahagod ang katawan sa isang bakal bilang pole dancer.

Sa totoo lang, damang-dama na sa mga netizens ang kasabikan nilang mapanood ang tandem nina Derek at Andrea sa TV. Comment nila, parehong palaban sa hubaran at churvahan ang dalawa.

Sa Instagram ng Kapuso hunk, nakapaloob ang ilang eksena sa teaser at ayon nga sa kanya, “I like this project, it’s very risky, very different and I got challenged and this is the project that I feel that is best for me!”

Sa panayam naman ng GMA, sinabi ni Andrea na mabilis daw silang naging close ni Derek, “Sobrang okay kami. Close na talaga. Sabi nga niya parang masyado na tayong comfortable sa isa’t isa kasi kahit ano talaga, kaya na naming pag-usapan.”

Parang instant friendship daw ang nangyari sa kanila, “‘Yung nga pinag-uusapan namin, parang hindi kami nag-effort. Noong nag-usap kami, ‘yun na, dirediretso na. Ang daldal na namin. Parang feeling namin matagal na kaming magkakilala.

“Siguro may ganoon lang talaga. May mga certain tao sa mundo na swak mo talaga ng ugali or values,” pahayag pa ng Kapuso sexy actress.

Feeling ng dalaga, malaki ang maitutulong nito sa mga role nila sa The Better Woman lalo na’t sandamakmak ang ang kanilang intimate scenes.

“Very open kaming dalawa which is good din para sa mga eksena. Nata-translate namin siya sa characters namin. Lalo kaming ginaganahan kasi ang ganda ng atmosphere sa set, very positive,” aniya pa.

Sa July 1 na ang premiere ng The Better Woman sa GMA.

Wala pang official announcement ang Kapuso Network kung ito ang ipapalit sa timeslot ng magtatapos nang Kara Mia sa GMA Telebabad.

Read more...